JM de Guzman on Donnalyn Bartolome: “May gusto ako sa kanya.”

Marami ang nagulat at kinilig sa surprise birthday party na hinanda ni Donnalyn Bartolome, 28, para kay JM de Guzman, 34, nang mag-birthday ang aktor.

Nung October 5, 2022, ipinost ni JM ang mga larawang kuha sa okasyon, kalakip ng pasasalamat niya sa lahat ng mga dumalo, partikular na kay Donnalyn.

Hindi naman idinenay ni JM na hinahangaan niya si Donnalyn.

“May gusto ako sa kanya. Isa niya akong tagahanga. Nanliligaw? Sana, nagpaparamdam,” pag-amin ni JM.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si JM sa launching ng bagong singer na si Tera, na ginanap sa ballroom ng Seda Vertis North nung October 25.

Marami ang nagsasabing mukhang malaki ang pag-asa ni JM na magustuhan din siya ni Donnalyn base sa effort ng dalaga na paghandaan ang birthday ng Kapamilya actor.

Sabi naman ni JM, “Ganun lang talaga siya, e. Ganun lang talaga.”

Ano ba ang tunay na estado ng relasyon nila ni Donnalyn at paano sila nagkakilala?

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“We’re very close friends. Nagkasama kami sa Probinsyano Partylist,” sagot ni JM.

Kung nagkasama sila sa kampanya sa eleksyon, malinaw na nadugtungan ang pagiging magkatrabaho at magkaibigan nila.

May cameo si JM sa music video ng bagong single ni Donnalyn na “Shawty.”

At nakailang vlog collabs na rin sila mula nang pasukin ni JM ang mundo ng vlogging noong June 2022.

Mula noon ay saksi raw si JM sa mga magagandang katangian ng vlogger/actress/singer na nagustuhan niya.

“Sobrang bait, intelligent, sobrang headstrong, wise, responsable, and independent,” paglalarawan pa niya kay Donnalyn.

HAPPY FOR JESSY AND LUIS

Huling naging seryosong relasyon ni JM ay si Jessy Mendiola anim na taon na ang nakararaan.

Ngayon ay kasal na si Jessy at buntis sa unang anak nila ni Luis Manzano.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Nang banggitin ito kay JM, nagpahayag siya ng saya ngayong malapit nang maging ina ang ex-girlfriend.

Aniya, “Oo naman, happy ako for them. Feeling ko ang cute ng baby nila.”

Sa kaso niya, sinabi ni JM na handa na siyang pumasok sa panibagong pakikipagrelasyon.

Aniya, “Oo naman, matagal-tagal na rin akong walang relasyon.”

JM JOINS CAST OF LINLANG

Mapapanood si JM sa seryeng Linlang kung saan makakasama niya sina Maricel Soriano, Paulo Avelino, at Kim Chiu.

Aminado si JM na kinakabahan siya at puspusan sa ngayon ang training na ginagawa nila.

“Unang-una, dahil first time ko sa Dreamscape, first time ko makakatrabaho sila Paulo Avelino. Si Kim Chiu sa movie pa lang, sa teleserye first time. Si Ms. Maricel first time din. Bale magkapatid kami dito ni Paulo.

“Nagte-training kami ng boxing for Linlang, Monday, Wednesday, Friday. Kinakabahan, oo, sobra.”

Tinanong ang aktor kung naranasan na ba niyang malinlang lalo na sa larangan ng pag-ibig at ano ang ginawa niya?

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Oo naman, siyempre papasa-Diyos mo na lang, mahirap gumanti, mahirap magtanim ng sama ng loob. Move on lang.”

Hinangaan ng marami ang husay na pinakita sa seryeng Init Sa Magdamag ng Kapamilya Channel. May pressure ba na dapat higitan niya ang husay na ipinakita sa Init Sa Magdamag?

Sagot ni JM, “Lagi namang may pressure pag may bagong teleserye. Or sa simula pa lang, yung istorya nagde-demand talaga ng mabigat na responsibilidad for us actors.”

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Canadian Professor Fired for Refusing to get ‘Covid-19’ Fake Vaccine
Next post Watch: FBI Director, DHS Secretary Grilled On Tech Censorship Collusion, Targeting Everyday Americans As Terrorists