Jeric Gonzales recalls viral video scandal: “Wala yung self-esteem mo, talagang down talaga.”

Binalikan ni Jeric Gonzales ang pinakamalaking kontrobersiyang kinasangkutan niya matapos tanghaling male grand winner ng artista search ng GMA-7 na Protégé: The Battle for the Big Artista Break taong 2012.

Noong 2016, may lumabas na video scandal niya diumano na pinagpiyestahan sa social media.

Read: Jeric Gonzales involved in alleged video scandal

Sa Updated with Nelson Canlas podcast na lumabas kahapon, September 22, 2022, naitanong kay Jeric ang malalaking struggles na napagdaanan niya sa kanyang karera.

Pagbabalik-tanaw ni Jeric, “Pinakamalaking struggle? Siguro nung nag-start pa lang ako, mga two years, three years pa lang ako sa showbiz.

“I was involved in an ano… yung scandal, of course. Parang social media scandal. I went viral talaga.

“Hindi ko alam kung paano siya iha-handle that time.

“Parang gusto ko na ngang huwag na lumabas, mag-quit, huwag na magpakita. Kasi ganoon pala ang feeling kapag nag-trend ka—nag-trend not in a good way—na parang tingin mo, lahat ng tao yung tingin sa ‘yo, yung tingin sa ‘yo hindi maganda.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakakahiya talaga. Wala yung self-esteem mo, talagang down talaga.”

Mabuti na lamang daw at naroon ang kanyang pamilya na sinuportahan siya sa kabila ng eskandalo.

Pati na ang GMA Artist Center na gumigiya sa kanya para harapin ang mga kinasasangkutang kontrobersiya.

Sad ni Jeric, “Ginuide talaga nila ako na kahit na anong isyu ‘yan, parang, if you will do good, parang mas makikita nila yung positive sa ‘yo, yung good sa ‘yo, yung pagbabago sa ‘yo.’

“Kung paano ka nag-rise up, kung paano ka tumayo doon sa pagkakadapa mo, dun sa downfall mo, yung sa pagkakamali mo, to a good way na na-improve mo yung sarili mo.

“Ipakita mo na mas naging strong ka, mas nag-improve ka. And then, mas na-inspire ka, mas na-motivate ka dahil sa nangyari.”

Ano naman ang naging epekto ng video scandal sa kanyang pamilya?

Ayon sa aktor, hindi siya hinusgahan ng mga ito.

“From the start naman talaga, ayaw nila akong mag-showbiz, kaya medyo sensitive sila about every issue na lumalabas sa akin.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero hanga din ako sa kanila kasi nandiyan lang sila sa tabi ko kahit nasasaktan sila. Parang hindi nila ako dini-discourage, hindi nila ako pinagbabawalan na, ‘Huwag na, tama na, quit ka na, ganun.’

“Parang they still believed in me, na kaya ko talaga na magsa-succeed talaga ako dito sa showbiz.

“Nakikita nila kasi na ito ang passion ko, e, na ito talaga ang dream ko. So, ayun, sinusuportahan nila ako.

“Kahit nasasaktan ako, nandiyan sila sa tabi ko, and gina-guide nila ako.”

Kasama si Jeric sa primetime series ng GMA-7 na Start-up PH na mapapanood simula Lunes, September 26.

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post More than 100 protesters arrested as fascist police in Melbourne crack down on demonstrators against fascist vaccine mandate
Next post Cult-Owned Disney Eyes Domination Of The Metaverse