Jason Hernandez back to Instagram months after breakup with wife Moira dela Torre

Matapos ang halos dalawang buwang pamamahinga sa social media, nagbalik na ulit sa pagiging aktibo sa Instagram ang singer-songwriter na si Jason Hernandez.

Nitong nakaraang July 26, 2022, biglang nag-post si Jason ng update tungkol sa kanya.

Una na rito ang anunsiyong tapos na ang pagsusulat niya ng mga kanta para sa kanyang bagong album na ilalabas sa Nobyembre.

Ani Jason, “Just finished writing all the songs for my first album. It’s gonna be 12 tracks coming out on November. Here’s a snippet of the last track called ‘You.’”

View this post on Instagram

A post shared by Jason Marvin (@jasonmarvinph)

Kasunod nito ang pagpaparinig niya sa lyrics ng kanta niyang may titulong “After Your Heart” noong August 1.

View this post on Instagram

A post shared by Jason Marvin (@jasonmarvinph)

Ang isa pa niyang post ay ang chords naman ng “Babalik Sa’yo,” na original soundtrack (OST) ng teleseryeng 2 Good 2 Be True ng ABS-CBN.

Inawit ito ng estranged wife niyang si Moira dela Torre.

Sabi ni Jason, “For everyone requesting (and dahil kinain narin ako ng 2GTBT [laughing in tears emoji]). Here are the chords for Babalik Sayo.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
View this post on Instagram

A post shared by Jason Marvin (@jasonmarvinph)

Ang isa pang post ni Jason ay larawan niya sa mabatong gilid ng dalampasigan. Wala siyang caption dito.

Tanong naman ng isa niyang kaibigang Pastor, “How are you Jason?”

Sagot niya, “ i’m okay po ptr Joel, let’s have coffee soon!”

Jason Hernandez ends social media hiatus

Noong May 31, 2022 ang huling post ni Jason bago siya nag-social media hiatus.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Laman sa post niya noong araw na yun ang joint statetement nila ni Moira tungkol sa kanilang desisyong tapusin ang halos tatlong taon pa lang nilang pagsasama bilang mag-asawa.

Read: Jason Hernandez announces split with wife Moira dela Torre: “I have been unfaithful to her.”

Hanggang ngayon ay wala pang balita kung may nag-file na sa kanila ng annulment dahil kasal ang dalawa.

January 14, 2019 nang ikinasal sina Moira at Jason sa isang garden wedding sa Tagaytay.

Bago pa nito, sumalang sila sa isang civil ceremony noong January 8, 2019. Pero nireserba raw nila ang kanilang first kiss sa actual wedding.

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Rentable Facial Recognition Robots That Can Detect Emotion Coming To A Conference Near You
Next post Google Searches For “Firewood” In Germany Have Exploded