Janno Gibbs on “laos” tag: “Nahe-hurt din pero tanggap ko naman.”

Inamin ng singer-comedian na si Janno Gibbs na minsan ay nasasaktan siya kapag tinatawag siyang “laos.”

Sa vlog ng talent manager at showbiz scribe na si Ogie Diaz noong September 25, 2022, sinabi ni Janno na ang salitang “laos” ang laging ibinabato sa kanya ng bashers.

Read: Janno Gibbs curses back at basher over now-deleted post about paying taxes

Ang ibig sabihin ng laos ay ang pagkawala ng dating ningning ng isang sikat na personalidad sa larangan na kanyang kinabibilangan.

Kapag ito ay ikinabit sa isang artista o celebrity, ang ibig sabihin nito ay mula sa pagiging nasa tugatog ng kanyang karera ay tila nakalimutan na ito ngayon ng publiko.

Sabi ni Janno, “Lagi namang binabalik sa akin, ‘Laos ka na. Laos na kaya nag-iingay sa social media.’”

Sabat ni Ogie, “Sinasagot mo?”

Tugon ni Janno, “Oo, pero aminado naman akong hindi na ako sikat, laos na.”

Janno Gibbs hurt on laos tag

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Susog ni Ogie sa kanya, para raw masabihan siyang laos, ibig sabihin ay sumikat siya?

Saad ni Janno, “Yun ang sinasagot ko. Ang sasabihin ko, ‘Ikaw ba sumikat ka ba?’ Iyan ang sinasagot ko.

“’Ako nalaos pero ikaw ba sumikat ka ba kahit kailan?’ Yun ang mga sagot ko.”

Nasasaktan ba siya sa salitang ‘laos’?

Pag-amin ni Janno, “Nahe-hurt din pero tanggap ko naman. Alam mo, sa paniniwala ko, laos lang naman ako pag wala akong ginagawa, e.

“Pag may movie akong bago, hindi na naman ako laos, di ba? Ganun lang naman yun, e.”

Isa rin sa mga binigyang-linaw sa panayam na ito ni Janno ay ang tungkol sa viral sex video diumano niya noong August 2018.

Read:Janno Gibbs on past video scandal: “Talagang medyo na-down ako…”

Pero mariin niya itong pinabulaanan.

Kamukha lang daw niya ito at pinanindigan niyang hindi siya ang lalaking nasa video.

Aniya, “Ang hirap sagutin. Kasi ako, alam ko sa sarili ko na hindi ako yun.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Either sobrang kamukha ko. Hindi naman sobrang ano ng face ko, e. Madami akong kahawig o technically manipulated.

“Madali na ngayon yun. Nakikita mo naman na sila Keanu Reeves, puwedeng ipatong.

“But ang problema, pinaniwalaan ng isang tao kung ano ang gusto niyang paniwalaan.

“Yun ang mahirap, e. Hindi makikinig.”

Read: Janno Gibbs addresses anew alleged video scandal: “Hindi ako yun.”

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Why to invest in crypto assets despite low income?
Next post Gates-funded ‘alarm’: ‘Doomsday Greenland glacier on the brink’