Janno Gibbs addresses anew alleged video scandal: “Hindi ako yun.”

Mariing pinabulaanan ni Janno Gibbs na siya ang lalakeng nasa video scandal na naging viral noong August 2018.

Read: Janno Gibbs on past video scandal: “Talagang medyo na-down ako…”

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz para sa vlog nitong lumabas sa YouTube kagabi, September 25, 2022, tinanong si Janno kung ano ang mga ibinabato ng bashers sa kanya dahil mahilig sumagot ang singer-comedian sa mga ito.

Dito ay muling binalikan ni Janno ang patuloy pa ring bashing sa kanya dahil sa video scandal na ikinakabit sa kanya.

Saad niya, “Ang isa sa hirap akong sagutin at yun talaga bina-block ko at sinasagot ko nang matindi, yun ang isasagot sa akin, yung scandal ko. ‘Naku, si Janno,’ magpu-post pa sila ng picture.

“Minsan kinu-comment pa nila sa post ng mga anak ko. Yun ang hindi ko gusto.”

Ang dalawang anak ni Janno sa asawang si Bing Loyzaga ay sina Alyssa at Gabby Gibbs.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Giit ni Janno, kamukha lang niya ang nasa kumalat na video at hindi siya.

Aniya, “Ang hirap sagutin. Kasi ako, alam ko sa sarili ko na hindi ako yun.

“Either sobrang kamukha ko. Hindi naman sobrang ano ng face ko, e. Madami akong kahawig o technically manipulated.

“Madali na ngayon yun. Nakikita mo naman na sila Keanu Reeves, puwedeng ipatong.

“But ang problema, pinaniwalaan ng isang tao kung ano ang gusto niyang paniwalaan.

“Yun ang mahirap, e. Hindi makikinig.”

Janno Gibbs denies video scandal

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Nilinaw muli ni Ogie kay Janno ang sinabi nitong hindi siya ang nasa video. Ngayon lang daw niya nalamang hindi pala ang comedian ang nasa video.

Diretsong sabi ni Janno, “Hindi ako yun. Kaya lang, kahit anong sabi ko na, ‘Hindi ako yun,’ binabato pa rin sa akin.

“So, maano sa akin yun, very sensitive sa akin yun. Kasi nakakahiya naman sa mga anak ko.”

“TALAGANG MEDYO NA-DOWN AKO…”

Hindi ito ang unang pagkakataong nagsalita si Janno tungkol sa sinasabing video scandal umano niya.

Sa mediacon ng pelikulang Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo noong August 2019, kahit umiiwas siyang pag-usapan ito, hindi niya itinangging na-down siya nang panahong may pinagdadaanan siya,

Sabi ni Janno, “Talagang medyo na-down ako, hindi ko naman itinatanggi yun. But now, I’m very happy na I’m with Viva, at bumabalik ulit ang confidence ko. Medyo missing in action talaga, admittedly.

“Ayoko nang masyadong pahabain, but I must admit na nagkaroon ako ng problema dito, problema diyan, but since I signed with Viva as an artist, sila na po ang bahala as manager ko ngayon, feeling ko ay unti-unti nang naaayos ulit.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Europe’s Dark Winter Woes Worsen: Ukraine Stops Exporting Electricity To Europe
Next post The Big Squeeze And The Big Switch – David Icke Dot-Connector Videocast