Jane de Leon recalls hardship before achieving success: “Minsan yung kinakain na lang namin, asin.”

Hindi napigilan ng bida sa teleseryeng Mars Ravelo’s Darna na si Jane de Leon na maging emosyunal nang balikan ang mga hirap na pinagdaanan niya sa buhay.

Sa pinakabagong vlog sa YouTube ni Ogie Diaz na ini-upload noong August 17, 2022, ibinahagi ni Jane ang kanyang naging buhay bago siya maging artista.

Kuwento ng aktres, maayos naman ang pamumuhay ng kanilang pamilya noon. Mayroon silang sariling bahay, kotse, at ari-arian.

Nagsimula lamang magbago ang lahat nang maloko sa negosyo ang kanyang ama ng mismong kaibigan nito.

Dahil dito, na-trauma ang kanyang ama kung kaya’t hindi na ito nakapagtrabaho.

Naging kapos din sila sa puntong hindi na makabili pa ng kanilang mga pangangailangan.

Paglalahad ni Jane, “Wala talaga kaming makain. Na asin na lang po talaga yung kinakain namin, ganyan. Asin, kasi walang-wala po talaga kaming pera.

“Nawalan ng trabaho si Papa, si Mama po ang nagtatrabaho para sa amin.

“Parang naging househusband si Papa. Minsan kapag walang-wala kami, siyempre suweldo ni Mama hindi naman enough sa amin.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Minsan yung kinakain na lang namin, asin, tapos kung alam niyo yung tuyo na may mantika.”

Patuloy niya, “Sa sobrang wala po talaga kaming pera, kahit piso po talaga wala, yung manok ng kapitbahay namin pumasok sa bahay, kinuha ng tatay ko, kinatay niya. Ginawa niyang adobo.

“Ganun po kami kadesperado na makakain nung araw na yun… Hindi rin po namin alam kung saan galing yung manok. Siguro biyaya na lang ng Panginoong Diyos yun na makatawid kami sa gutom.”

Labis naman ang panghihinayang ni Jane na maagang pumanaw ang kanyang ama at hindi na niya naparanas dito ang maganda at marangyang buhay na meron siya ngayon.

Humahagulgol niyang saad, “Kung nandito si Papa talaga, kung anuman ang nangyari since nung bata siya, pati yung naloko siya, gusto ko po palitan lahat yun, kaso wala na po si Papa.

“Ang hirap, kasi gusto ko bumawi sa kanya, sobra.

“Gusto kong ipa-experience po sa kanya lahat ng sarap ng buhay na meron kami ni Mama.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

SHOWBIZ START

Ibinahagi rin ni Jane ang mga pagsubok na kanyang dinanas nang magsimula siyang pumasok sa mundo ng showbiz at sa grupong GirlTrends ng It’s Showtime.

“Laguna kami, QC [Quezon City] to Laguna, ang layo. Magkano lang po ang TF [talent fee] ko noong panahon na yun. Akala ko nga, kahit ganun kaliit ang TF ko ay ang laki-laking bagay na sa akin nun.

“Para po makapasok kami sa trabaho kinabukasan, ang ginagawa po namin ni Mama, hindi alam ng ABS-CBN ‘to, doon po kami natutulog sa dressing room.

“Minsan po tumatambay po kami sa convenience store. Iidlip kami sa convenience store, iidlip kami kung saan-saan.

“Kahit po doon sa taas ng MRT, sa gilid. Umiidlip po kami ni Mama dun.”

Nagulat si Ogie Diaz sa naging pahayag ni Jane, kung kaya’t kinumpirma nito kung ganoon ba talaga kahirap ang buhay niya noon.

Sagot ni Jane, “Sobra po talaga, ginapang ko po, ginapang po talaga namin lahat.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Nabago lang daw ang kanyang buhay nang mabigyan siya ng break sa primetime series ng ABS-CBN na Halik noong 2018.

Nagsimula na rin siyang mabigyan ng mga raket, kaya naman sa unang pagkakataon ay nakapagrenta na siya ng apartment.

Muli siyang tinanong ni Ogie kung mabilis ba niyang narating ang pangarap maging artista.

Sagot ni Jane, “Hindi naman agad-agad, yung makakakuha ka agad ng role. Siguro bihira lang po sa artista na ganun, mabigyan ng opportunity.

“Ako po kasi talaga, kayod po talaga ako, e. Nung simula po talaga, nag-audition ako sa iba’t ibang lugar, iba’t ibang agencies.”

JANE’S BASHERS

Sa panayam, naging bukas din si Jane sa lahat ng mga puna na natatanggap dahil sa pagiging bida niya sa Darna.

Noong una ay nasasaktan daw siya sa mga negatibong komento tungkol sa kapasidad niya bilang artista. Ngunit kalaunan ay tanggap at naiintindihan na niya ang mga ito.

Imbes na mainis at patulan, nagpapasalamat pa si Jane sa mga kritiko dahil nagbibigay raw iyon ng lakas sa kanyang mag-effort pa sa trabaho at sa sarili.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Na-realize ko na hangga’t nabubuhay ka, may bashers ka, di ba?

“Nagpapasalamat naman din po ako na may bashers. Nagpapasalamat din po ako na nag-e-effort sila for me.

“Siyempre, isa na rin po yun na may mga lessons din ako na natutunan. Kung hindi rin dahil sa kanila ay hindi ako magiging better na tao, hindi ko mas pagbubutihan.”

Read: Jane de Leon reacts to naysayers saying she doesn’t deserve Darna role

Sa huli, umaasa si Jane na magbago ang tingin sa kanya ng bashers kung mapapanood ng mga ito ang Darna.

“Sana mapanood po muna nila yung Darna. Malay mo, magbago ang tingin nila sa akin, mas ma-appreciate nila ako not just as Darna but as a person, as Jane din.”

READ MORE:

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Previous post Spain Bans Setting AC Below 27°C (81°F)
Next post Davos Group Pushes Vaccine Passports to Enforce Global Carbon Taxes