
Jake Cuenca on failed relationship with Kylie Verzosa: “I know I gave my best.”
Kapansin-pansin ang pagiging emosyunal ni Jake Cuenca sa presscon ng pelikulang My Father, Myself nitong Huwebes ng gabi, November 24, 2022.
Espekulasyon ng iba, mukhang malalim ang naging epekto sa Kapamilya actor ng breakup nila ni Miss international 2016 Kylie Verzosa.
Buwan ng Abril ngayong taon nang kumpirmahin nina Jake at Kylie na nauwi sa hiwalayan ang tatlong taon nilang relasyon.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jake, inalam ng awtor na ito kung ano ang state of mind niya ngayon.
“I think it’s not just the breakup, maraming nangyari na matu-trauma ka—pag pinagbabaril ka ng mga pulis, iyan ang una,” bungad ng aktor.
Ang tinutukoy ni Jake ay ang pagkakasangkot niya sa car chase kung saan hinabol ng mga pulis at pinaputukan ang kanyang sasakyan noong madaling-araw ng October 9, 2021.
Read: Jake Cuenca reportedly involved in car chase with police; Grab driver shot by stray bullet
Patuloy niya, “Siyempre nung pandemya, ayoko namang i-elaborate na I will solely say it’s because of my love life, kasi it’s not.
“Siyempre may mga family members ako, immediate family members, who passed away because of COVID—my lola, my Tiyo Manoling [Morato]—a lot of things.
“And siyempre, the breakup was just another [factor of the] many things [that affected me]. Parang nagsabay-sabay.
“Pero you know, not because I cry, or because I am emotional doesn’t mean I’m gonna give up. I’m pushing forward and I’m not giving up.”
Tinanong ng PEP.ph si Jake kung ano ang payo na ibinigay ng kanyang mga magulang sa mga pinagdadaanan niya.
“Move forward, stand up,” sagot ng Kapamilya actor.
Sinabi rin ni Jake na sa kabila ng breakup nila ng ex-girlfriend ay hindi nito mababago ang kakayahan niyang magmahal nang sagad.
“Marami akong lessons na natutunan, pero siyempre sa akin na lang yun. Yung relationship namin noon ay sa aming dalawa lang.
“Pero kung mayroon man akong big takeaway, kung mayroon man akong puwedeng baguhin sa mga nangyari, siguro wala akong babaguhin.
“Ganun talaga ako magmahal, sagad, inuubos ko ang sarili ko para sa isang tao, and hindi ako nagsisisi in the end.
“Magsisisi ka kasi malungkot, nakakalungkot, wala na yung tao. Pero sa kaloob-looban ko, alam ko na ibinigay ko ang lahat. I know I gave my best.”
Ganun daw kasi siya by nature.
“Always, sa lahat ng bagay, sa lahat ng aspeto ng buhay ko, I will always give my best — as a son, as a brother, as an artist, as a co-actor, as an aspiring director, as an aspiring writer, I will always give my best.
NOOD KA MUNA!
“Yun lang ang kaya kong i-guarantee. Wala akong puwedeng ipangako, kundi yung best ko lang.”
Ayon kay Jake, hindi niya hahayaang maapektuhan ng heartbreak ang karera niya.
“Kumbaga, naiwan na ako. Ilang beses na akong naiwan in my thirty-four years of existence.
“Pero one thing that stays constant is my career. Iba-value ko ito.
“Utang na loob ko sa inyo to give my best in everything I do, so that’s what I’m gonna do, that’s what I wanna do.”
NOt rushing to fall in love again
Sa ngayon ay wala raw sa listahan ng prayoridad ni Jake ang pag-ibig, at ang pagmamahal niya ay buo niyang ibinibigay sa kanyang pamilya at sa sarili.
Paliwanag niya: “Kumbaga, hindi ako gutom na maghanap ng bagong girlfriend, or maghanap ng pagmamahal.
“Ngayon, gusto ko lang isukli sa tao lahat ng pagmamahal na ibinibigay nila sa akin. My family, my fans, kayo, my directors and my producers who believe in me.”
Takot siyang sumugal uli sa pag-ibig?
Sagot ni Jake: “Hindi ko masasabing takot, wala lang akong gana. Hindi siya trauma, pero I really gave my everything, wala na.
“Kailangan ko ngayon, kung anuman yung natitirang pagmamahal, para sa pamilya ko na yun. Sa ngayon, I have nothing to give.
“Magkaka-girlfriend din naman ako. Pero isa sa natutunan ko these past six months na lumipas, a very valuable thing na natutunan ko is to be happy being alone.
“To learn to be self-sufficient, to learn to make yourself happy. Mali na gawin kong responsibilidad ng ibang tao ang happiness ko. Kailangan sa akin manggaling yun, e.
“Even my mom says that to me, kailangan manggaling sa iyo.”
Mas marami raw siyang puwedeng gawin nang walang iniisip na karelasyon.
“To be honest, wala pa ako sa mood. Nandun ako sa gusto kong bumawi sa pamilya ko. Gusto kong mag-provide, gusto kong dalhin ang nanay ko sa lahat ng bansa na gusto niyang puntahan.
“Gusto kong papasukin ang kapatid ko sa eskuwelahan na gusto niyang pasukin. Gusto kong sustentuhan ang pamilya ko kung kailangan nila ng pera. Nandun ako.
“Kasi, itong experience na ito, totoo naman yung assessment mo na this has been one of the hardest things that I have to go through in my entire life.
“But I made it through. Heto na ako ngayon, and I’m at my best, and pinepresenta ko sa inyo ang sarili ko mainly because of my family na talagang pinulot nila ako sa sahig.”
Sa kabila ng pahayag na gusto niyang bumawi sa pamilya, siniguro rin ni Jake na alam niyang hindi siya nagkulang sa kanyang pamilya.
Aniya, “We’ve always been a close, intact family. But now, more than ever because of the pandemic. Because of everything, mas naging tight kami ng family ko.
“Even more so now, walang mas importante sa akin kung hindi pamilya ko talaga.”
Sa presscon proper ng My Father, Myself, nabanggit ni Jake na ang mga magulang niya ang kanyang nilalapitan, kaysa sa mga kaibigan, kapag may problema siya.
Katuwiran ni Jake: “Narinig ko na kasi siguro lahat. Pagdating kasi sa friends ko, mahirap kasi talaga akong payuhan kasi ako yung tao na nagbibigay ng payo.
“Yung taong yun, kanino ako pupunta for advice? Siyempre pumunta lang ako sa taong pinakanakakakilala sa akin, at yun ang magulang ko, yung nanay at tatay ko.
“Kaya kong maging totoo sa kanila. Kaya kong ipakita yung totoo na hindi ka huhusgahan, hindi ako tinatadtad ng bashers, hindi ako tinatadtad ng maraming tao.
“Naniniwala sila sa kuwento ko. Yun ang mahalaga minsan sa buhay, e, yung mayroon tayong kakampi na ganun.
“Sa totoo lang, ang natutunan ko sa experience na ito, family first. Kahit sino pa ang dumating sa buhay ko, hindi ka iiwan ng pamilya mo. That I can say about my family.
“I’m lucky, I’m grateful, and I love my family.”
INSPIRED TO WORK HARDER
Mas pinagtutuunan din ni Jake ang trabaho.
“Talagang taus-puso akong nagpapasalamat sa Diyos na ang daming projects na pumasok this year. Timing din naman talaga.
“It’s easier to push forward kapag may kailangan kang gawin, kung may objective ka para sa sarili mo.
“For me, nataon na nabigyan ako ng pelikula na tulad nito, itong my My Father, Myself, nabigyan din ako ng mga Kapamilya serye na Iron Heart at Cattleya Killer, at gumawa ako ng play, at gagawa pa ako ng isa pang play next year.
“For me, I do really mean it pag sinasabi ko na nasa career ang focus ko ngayon, my body of work will tell you that I am saying the truth.”
Talagang mas ganado raw siya ngayong pagbutihin ang pag-arte.
“Minsan I don’t know rin, hindi ko rin alam kung paano. Pero kasi, I guess, ganun ko kamahal ang trabaho na pagdating ko sa set, I can’t find it in me na hindi ibigay ang best ko.
“Hindi sapat sa akin na dahilan na may pinagdadaanan ako so I can’t give my best. Hindi, e.
“Nasundan ninyo ang career ko, alam niyo naman na I’m a type of person na pag binigyan ng oportunidad, I take it.
“To be honest, actually, mas madali pa nga pag nasa trabaho ako. Mas madaling bitawan ang problema, huwag mo munang isipin, kasi may kailangan kang gawin.
“Pero mas mahirap pag wala kang ginagawa. Mas mahirap pag may idle time.”
Umiwas na rin si Jake sa pag-inom ng alak kung saan kita naman sa aura ng aktor na mukha itong blooming sa kabila ng pagiging single.
“Ang tagal ko nang hindi umiinom. Hindi na, e. Saka wala na rin ako sa edad na gawin yun, e. Sa ngayon din talaga na it’s a good thing that I’m so busy na.
“Lalo pang nadadagdagan, parang gusto kong mag-double time sa pagiging direktor and writer kasi ang layo pa ng tatakbuhin ko sa pag-aaral.
“Gusto ko nang simulan now. Pag di ako umaarte, mag-aaral ako.”
ON MMFF entry “my father, myself”
Isang pamilyadong tao pero isang closet queen ang role ni Jake sa pelikulang My Father, Myself.
Ito ang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2022 entry ng 3:16 Media Network at Mentorque Entertainment, sa ilalim ng direksiyon ng batikang direktor na si Joel Lamangan at mula sa panulat ni Quinn Carillo.
Kasama niya sa pelikula sina Dimples Romana, Tiffany Grey, at Sean de Guzman.
Bilib na bilib si Jake sa husay ng mga kasama.
Saad niya, “Grateful ako na makatrabaho ang isang Dimples Romana because she brings out the best in me.
“Si Sean is a revelation. Nagulat ako sa willingness niya, nagulat ako sa commitment niya na tinapatan ang commitment ko sa isang project.
“Nakausap ko rin sila Nay Len, tinatanong din nila sa akin kung ano ang dapat gawin, tinatanong nila ako advice for Sean.
“Sabi ko, just let him experience life, kasi nakikita ko in front of me right now, he’s a full-blooded actor.”
Dagdag ni Jake, “Kay Tiff, marami pang gagawin si Tiff, siyempre itong role na ito simula pa lang ito for her. Kumbaga, introducing siya dito so I can’t wait to see her grow.
“Alam ko magkaibigan talaga sina Sean and Tiff, hindi sila nag-iiwanan, lagi nilang sinasalo ang isa’t isa. They are very good friends.”
https://www.instagram.com/p/CkhkAW7jKOA/?hl=en
Bilang isa sa walong entries sa MMFF 2022, hindi ba nape-pressure si Jake na ang makakalaban nila sa takilya ay ang mga pelikula nina Vice Ganda, Coco Martin, at iba pa?
Nais ba niya masungkit ang Best Actor award?
“Award? Ipagdarasal ko, that would be a dream come true for me,” pakli ni Jake.
Dagdag niya, “I just wanna come up with a good film na puwedeng panoorin ng lahat. As you can see, ang pelikula namin ay iba sa pelikula nila. Siyempre mainstream talaga yung sa kanila.
“Gusto ko lang i-stress yun na wala akong pressure na nararamdaman, ang nararamdaman ko ay talagang suwerte at grateful ka na nakapasok kami sa Metro Manila Filmfest.
“Hindi siya yung parang pelikula nila Vice, nila Coco na it’s a heavily-budgeted film.”
News Philippines today at https://philtoday.info/