Jaclyn Jose on identity of hacker of celebs’ Facebook accounts: “I think taga-industry ito.”

Naglipana ngayon ang hacking ng mga Facebook account kung saan inuutangan ng pera ang mga biktima.

Hindi lang sa mga ordinaryong tao ito nangyayari kundi nabiktima na rin ang ilang kilalang personalidad sa showbiz industry.

Miyerkules ng gabi, November 23, 2022, inanunsiyo ni Jaclyn Jose na na-hack ang kanyang telepono kaya binalaan niya ang kanyang mga kaibigan na balewalain ang sinumang makatatanggap ng mensahe na nangungutang siya.

Sa unang post ng aktres, sinabi nitong inutangan ng hacker ang isang kaibigan niya ng P20,000.

Buti na lang at maagap ito at nakahalatang hindi si Jaclyn ang nagpadala ng mensahe at nangungutang sa kanya.

Ani Jaclyn: “My phone has been hacked…pls ignore if some one is asking for money d po ako yun.”

View this post on Instagram

A post shared by Jaclyn Jose (@jaclynjose)

Sa comments section ng kanyang post, nagdagdag ng impormasyon si Jaclyn kung ano ang ginagawa ng hacker upang makakuha ng pera sa mga biktima.

Ang istilo raw ay nangungumusta muna ito saka bubuwelo na mangungutang.

Pero ayon kay Jaclyn, alam ng mga nakakakilala sa kanyang hindi siya palagiang nangungumusta.

Saad niya, “Ang style kamusta ..those who know me alam nila hindi ako yan..pls wag paloko….ako na sana ang huling naloko ng mga taong ito..”

Jaclyn Jose, hackers

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Hinala pa ni Jaclyn, taga-industriya rin ang hacker.

“I think taga industry ito ..alam nia ang zoom( meaning d puede video call kasi nasa zoom…,” dagdag niya.

Jaclyn Jose, hackers

Sa isa pang post, sinabi ni Jaclyn na nangungutang din ang hacker sa isang kaibigan niya ngunit hindi makikita kung magkano ang inuutang nito.

Sabi niya sa caption, “Pls ignore if some one is asking for money na hacked po phone…hindi po ako yun.”

View this post on Instagram

A post shared by Jaclyn Jose (@jaclynjose)

Isa sa mga unang umaray na taga-showbiz tungkol sa Facebook hacking ay ang Divine Diza na si Zsa Zsa Padilla.

Noong November 21, sa pamamagitan ng Instagram, naglabas ng pagkadismaya si Zsa Zsa tungkol sa pagka-hack ng kanyang official Facebook fan page.

Pati raw ang page ng private farmhouse niyang Casa Esperanza ay nadamay pa.

Read: Zsa Zsa Padilla devastated after official Facebook fan page was hacked

Maging ang mga direktor na sina Joel Lamangan at Edgar Mortiz ay nabiktima rin ng hacking.

CONTINUE READING BELOW ↓

NOOD KA MUNA!

Read: Direk Joel Lamangan, nabiktima rin ng hacker sa Facebook

Read: Dalawang kaibigan ni Edgar Mortiz, nabiktima ng hacker/scammer na aktor

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Anyone can change – it’s just a choice. But so many never do
Next post How LEDs Can Negatively Influence Our Health