Ivana Alawi, Alex Gonzaga post message of support for Zeinab Harake amid vloggers’ word war

Pinili nina Ivana Alawi at Alex Gonzaga na patawarin si Zeinab Harake at isalba ang kanilang pagkakaibigan.

Ito ay sa kabila ng mga naibulgar na hindi magandang sinabi noon ni Zeinab kina Ivana at Alex.

Recently, nagkaroon ng banggaan si Zeinab at talent manager-vlogger na si Wilbert Tolentino.

Isinapubliko ni Wilbert ang screenshots ng messages ni Zeinab ng negatibong sinabi nito ukol sa ilang kapwa celebrity vloggers, tulad nina Ivana at Alex.

Ang mga screenshot ng messages ay galing sa private messaging nina Zeinab at Wilburt noong bati pa sila.

Akusasyon ni Wilbert, “traydor” si Zeinab dahil hindi magaganda ang sinasabi umano nito ukol sa kanyang fellow vloggers kapag nakatalikod ang mga ito.

Noong October 23, 2022, nag-Facebook Live si Zeinab para ipagtanggol ang sarili.

Sinabi rin niyang bago siya nag-live ay tinawagan niya ang kapwa vloggers na nasangkot sa isyu at humingi ng paumanhin sa mga ito.

Read: Zeinab Harake apologizes to Ivana Alawi, Sanya Lopez, Alex Gonzaga, Jelai Andres, other celeb vloggers

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi itinanggi ni Zeinab ang screenshots na isinapubliko ni Wilbert.

Sa mga mensahe, tinawag ni Zeinab si Alex na “wala sa hulog kausap” at si Ivana naman ay “mataas ang ihi.”

IVANA AND ALEX STILL SUPPORT ZEINAB

Nitong Martes, October 25, nag-tweet si Alex ng isang makahulugang mensahe.

Aniya, “Lahat naman ay nagkakamali ang mahalaga ay marunong magpakumbaba at humihingi ng tawad. [praying hands emoji]”

Alex Gonzaga tweet

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Walang tinukoy na pangalan si Alex pero swak ito sa pahayag ni Zeinab ukol sa TV host-actress sa Facebook Live.

Sabi ni Zeinab, tumawag at nag-sorry muna siya kay Alex.

Dagdag ni Zeinab ukol sa pagkakadawit ni Alex, “Kaya unang ginawa ko, nag-message ako. Nanghingi agad ako ng sorry. Sobrang sorry po.”

Ganito rin daw ang ginawa ni Zeinab pagdating kay Ivana.

Nagpaliwanag din si Zeinab na nasabi niya noong “mataas ang ihi” ni Ivana dahil sa biglang pag-unfollow sa kanya noon ng YouTuber-actress na nauwi sa tampuhan nila.

Pero naayos din ang gusot ng dalawa at gumawa pa sila ng maraming collab.

Sa recent Facebook Live ni Zeinab, sinabi nitong kinausap muna niya si Ivana bago siya nag-live.

Sinabihan din daw siya ni Ivana na huwag itong mag-alala at kilala niya ang tunay na pagkatao ni Zeinab.

“Ngayon, kausap ko siya bago mag-live, humingi din ako ng sorry sa kanya,” sabi ni Zeinab.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Kahapon, nag-post si Ivana ng glamour shot sa Instagram.

Komento ni Zeinab: “I love you queen [heart and fire emojis]”

Reply ni Ivana: “ily [I love you] [white heart emoji.”

ivana alawi zeinab harake commets

Malinaw na indikasyon itong maayos ang kanilang pagkakaibigan.

Sa kabilang banda, may ilang celebrity vloggers din na nadamay sa isyu at nasabihan nang hindi maganda ni Zeinab ang piniling patawarin ito, kagaya nina Whamos Cruz at Toni Fowler.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post ‘I suspect we’ll see children die, they’ll label it as a new variant” – In this weeks ‘Right Now’ Gareth Icke talks to funeral director John O’Looney
Next post CBDC: How ‘Covid’ Became the Path to Global Financial Surveillance