Isko Moreno admits to being a lolo to son Joaquin Domagoso’s child: “Ang pogi ng apo ko.”

From Citizen Isko Moreno to Lolo Isko!

Ganyan na raw ang datingan ni former Manila Mayor Isko Moreno, 47, ngayon sa buhay.

Matapos ang mga usap-usapan tungkol sa pagkakaroon ng love child ng panganay niyang anak na si Joaquin Domagoso, kinumpirma sa wakas ni Isko na isa na siyang ganap na lolo.

Sa panayam kay Isko ng Modern Parenting na lumabas ngayong Lunes, July 25, 2022, ang dating alkalde ng Maynila na mismo ang nagbigay-linaw ukol sa isyu.

Blessing daw sa kanya ang apo na isinilang ni Raffa Castro, ang girlfriend ni Joaquin, nitong nakaraang late April.

Pagmamalaki niya, “Isa sa mga blessings ay lolo na ako. Ang pogi ng apo ko.”

Pinagalanan nina Joaquin at Raffa ang kanilang anak na si Scott Angelo Domagoso.

Scott ang totoong palayaw ni Isko noong kabataan niya kaya Scott ang ipinangalan nina Joaquin at Raffa sa kanilang anak.

Ano ang pakiramdam niyang lolo na siya?

Continue reading below ↓

Sagot ni Isko, “Siyempre kikiligin ka lalo na kapag kamukha mo. I’m really enjoying it. I’m happy and grateful to God.

“Of course, I’m happy for Joaquin. Having a child, naturally, will create a certain mindset in terms of priorities.”

Unang apo ni Isko si Scott at masaya raw siyang maka-bonding ang bata ngayong hindi siya abala sa pulitika.

Saad niya, “It’s a God-given life. It’s a blessing. Growing up is a challenge and making a better life for everyone, your family, or even your apo is hard.

“But from another perspective, it’s a blessing. Being a grandfather is an opportunity to be happier in the next decade or or two in this world.”

Nitong nakaraang June 27, inilabas ng Cabinet Files ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang eksklusibong ulat tungkol sa pagiging ama na ni Joaquin.

Isinilang ni Raffa ang anak nila ni Joaquin na si Scott sa FEU Medical Center, Quezon City, noong April 28, 2022.

Continue reading below ↓

Read: Joaquin Domagoso, may two-month-old son na sa kapatid ni Claire Castro

Ibig sabihin, magtatatlong buwan na ito sa bandang katapusan ng Hulyo.

Hindi pa nagsasalita sina Joaquin at Raffa ukol dito.

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Previous post Experts: Beijing Technocrat Takeover of UN Presents Existential Threat to US
Next post Black Friday Weekend Sale – 20% Off All David Icke Books (Except Print On Demand) Using Coupon Code Coupon20