Is marriage the next step for Cherry Pie Picache and Edu Manzano?

Sa magandang itinatakbo ng relasyon nina Cherry Pie Picache at Edu Manzano, marami ang nagtatanong kung may plano silang magpakasal.

Si Edu, 67, ay ikinasal kina Vilma Santos (1980-1985) at Maricel Soriano (1989-1990), at divorced at annuled na ang mga nasabing union, respectively.

Si Cherry Pie, 52, ay isang single mom sa nag-iisa nitong anak na si Nio.

“Hindi ko alam, dapat siguro siya ang tanungin mo… Ay, dapat din pala ako ang tanungin mo,” napangiting sabi ni Cherry Pie sa usapang wedding bells.

Dugtong ng aktres tungkol sa kanila ni Edu: “We’re just enjoying what we have. Dapat in the moment tayo. Kung ano yung ngayon, i-enjoy lang natin, masaya lang tayo.

“We should be grateful for all the blessings na okay pa rin tayo. I mean, hindi pa tapos ang pandemya pero nandirito pa rin tayo.

“Magpa-Pasko na, umabot tayo sa Pasko. After ng mga nangyari ngayong taon na ito, let’s just all be grateful.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa stage pa rin ang couple na excited silang nanumbalik na maganda nilang pagtitinginan.

Nangyari iyon nang magkatrabaho sila sa defunct prime-time series na Marry Me, Marry You (September 2021-January 2022).

“We’re very good, we’re very blessed that we’re both happy. Hope he’s happy also.

“Timing din, timing talaga. In God’s will, in His perfect time, things happened. Things happened for a reason. Siguro hinanda,” saad ni Cherry Pie.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cherry Pie sa story conference ng pelikulang Oras de Peligro.Ginanap ang interview sa Max’s restaurant sa Sct. Tuazon, Quezon City, noong Linggo, October 23, 2022.

RELATED STORIES:

Aminado ang aktres na di hamak na malalim ang unawaan nila ni Edu ngayon kumpara noong una nilang sinubukang mag-date 20 years ago.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“I suppose kasi iba na, e,” pakli niya.

“Alam naman ng lahat, na nasabi na namin yun, na we were going out before. Marami na ring natutunan as we went along life.

“Ngayon mas matured na nga, marami na kaming natutunan that helped the relationship to do better.”

Dahil parehong may mga kanya-kanyang trabaho na ginagawa sa ngayon, isyu ba kina Edu at Cherry Pie ang kawalan ng oras para sa isa’t isa?

Sagot ng aktres, “Of course it’s not perfect, we’re working it out.

“Sa panahon na ito, parang wala na yatang dapat na panahon para magalit pa, para ma-stress pa tayo.

“Dapat, di ba, positive lang, happy lang, let’s spread love, emphathy.”

GOOD RELATIONSHIP WITH THEIR KIDS

Masaya rin si Cherry Pie na maganda ang relasyon nila ni Edu sa mga anak ng bawat isa.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Si Edu ay may apat na anak—si Luis ay anak niya sa ex-wife na si Vilma Santos; sina Addie at Enzo ay mga anak niya sa ex-partner na si Rissa Samson; at si Diego ay anak niya sa isa pang ex-partner.

Si Nio ay anak ni Cherry Pie sa dating parther na si Gary Tria.

Sabi ng aktres, “Okay naman, saka medyo may edad na ang mga bata both on my side and his side. I would like to believe that they’re happy for both of us. Maayos naman ang lahat.”

Base sa vlogs kunsaan makikitang kasama nina Edu at Cherry Pie si Luis at misis nitong si Jessy Mendiola, malinaw na malapit si Cherry Pie kina Luis at Jessy.

Ani Cherry Pie, “Mahal na mahal ko naman si Luis kahit wala pang koneksiyon sa amin ng daddy niya, of course, I’m very happy with that.

“I’m very happy for Luis and Jessy na mayroon silang Peanut and they are looking forward to that. I’m very happy, I wish them well.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Kay Jessy, sana healthy lahat, yung pagbubuntis niya. Sana maayos lahat.”

CHERRY PIE’S UPCOMING PROJECTS

Si Cherry Pie ang pangunahing bida sa Oras de Peligro, isang pelikulang ipoprodyus ng Bagong Siklab Productions, sa ilalim ng direksiyon ni Joel Lamangan.

Hindi maitago ni Cherry Pie ang excitement sa proyekto lalo’t matagal silang hindi nagkatrabaho ni Direk Joel.

Saad niya, “Una, masaya ako, medyo matagal akong hindi nagtrabaho. Ang huli ko sa telebisyon kasi, di ba?

“Halos lahat naman ng trabaho natin ngayon, maraming magagandang projects sa telebisyon, kasi content, di ba, tapos ipinapakita sa iba’t ibang platform.

“I’m just happy now that I’ve been able to do a film, matagal-tagal na nga kasi.

“Ang huli ko ay yung Pauwi Na. So yun, masarap, masaya.”

Nagbahagi rin si Cherry Pie kung ano ang aabangan sa kanyang role.

“I’ll be playing the role of Beatrice. Katulad ng nabanggit kanina, ang Oras de Peligro ay tungkol sa ordinaryong pamilya na nagtratrabaho or part ng isang community.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“May mga nangyari kasabay ng panahon bago mag-EDSA Revolution, pero hiwalay na hiwalay yung istorya namin sa EDSA Revolution na naganap nung 1986.

“Kumbaga sa timeline, it’s a docu-film, e. A film within a film. So, magkasabay silang nangyayari.”

Idiniin din ni Cherry Pie na hindi pantapat sa Maid In Malacañang ang Oras De Peligro.

“Definitely, kanina pa namin sinasabi, hindi siya sagot. Ang pelikulang ito ay di sagot sa Maid In Malacañang.

“It’s a film that we’re doing, at nagkataon na ang istorya niya ay nung panahon nung 1986 sa EDSA Revolution.”

Huling napanood sa seryeng Marry Me, Marry You ng Kapamilya Channel, ibinalita rin ni Cherry Pie na may susunod na siyang serye.

“Oo mayroon, pero hindi ko alam kasi kung puwede nang sabihin. Sobrang excited, I’m still praying and hoping na sana matuloy.

“Di ba, kasi sa atin, hangga’t di ka nagsisimula ng day one, di mo pa ma-confirm na tuloy na, yung ganun. But I’m very excited.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Report Finds UK Police Use of Live Facial Recognition Is Unlawful
Next post Fascist BMJ Article Calls for Governments to “Neutralise Misinformation” and Ban Dissent in Pandemics