Instagram official? Isabel Santos posts cozy Italy vacation photos with rumored boyfriend John Lloyd Cruz

Magkasamang nagbabakasyon ngayon sa Italy ang rumored sweethearts na sina John Lloyd Cruz, 39, at Isabel Santos, 31.

Read: Isabel Santos: Carving her own path in art

Sa Instagram kahapon, October 6, 2022, sunud-sunod ang pagsi-share ng mga kuhang larawan si Isabel sa mga lugar na pinupuntahan nila doon.

Ibinahagi rin ng artist ang sweet photos nila ng aktor.

Sa unang post, ibinahagi ni Isabel ang tourist attractions sa Venice, Italy.

Caption niya: “Touristy shots from a tourist”

View this post on Instagram

A post shared by Isabel Santos (@somethingstarwars)

Sa dulo nito makikita ang sweet na larawan nila ni John Lloyd.

Isabel Santos cozy photos with John Lloyd Cruz

Pangalawang post ni Isabel ay larawan nilang dalawa na tila nagpapahinga sa isang coffee shop.

Caption niya, “It has been decided, onesies arent for adults [people with bunny ears (partying) emoji]

“Also i like my profile better [bird emoji]”

View this post on Instagram

A post shared by Isabel Santos (@somethingstarwars)

Sa ikatlong post naman ni Isabel, makikitang tila nakataas ang kilay ni John Lloyd habang nasa isang yate o bangka sila.

Mababasa sa caption na tila nakatuon ang buhay niya ngayon sa aktor.

Aniya, “My favorite picture—the composition, the view, the lighting! and the subject [see no evil monkey, two hearts emojis]

“5 stars! 10 yums!”

View this post on Instagram

A post shared by Isabel Santos (@somethingstarwars)

Ayon sa emojipedia.org, ang two hearts emojis ay nangangahulugan ding “love is in the air.”

Pag-amin na nga lang ba ang kulang upang opisyal nang matatawag ang dalawa na magkarelasyon?

Mula noong September 2021, usap-usapan ng netizens ang napansin nilang ugnayan nina John Lloyd at Isabel.

Hindi nakaligtas sa netizens ang ilang pagkakataong nag-post si Isabel ng mga litrato ni John Lloyd.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama rin ni John Lloyd si Isabel nang mag-Christmas party ang kinabibilangang talent management ng aktor, ang Crown Artist Management, noong December 2021.

Minsan na ring nag-post si Isabel ng litrato nina John Lloyd at Elias na namamasyal sa tabing-dagat.

Si Elias ang anak ni John Lloyd sa dating kasintahan na si Ellen Adarna.

At nitong nakaraang June 24, 2022, sa kaarawan ni John Lloyd, unang pagkakataong nasilayan ang sweet moments sa pagitan ng rumored couple.

Hanggang sa kasalukuyan ay tikom ang bibig ni John Lloyd hinggil sa hinihinalang relasyon nila ni Isabel.

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Massive Protest By Czechs Targets Russia Sanctions, High Prices
Next post To See Or Not To See – An Education Poem