Herlene Budol’s former manager cries foul over comedienne’s “damaging” accusations

Nangako si Elizabeth “Elize” Estrada na maglalabas siya ng pahayag tungkol sa diumano’y mga walang katotohanang paratang ni Herlene Nicole Budol laban sa kanya.

Si Herlene, o kilala bilang Hipon girl, ay kilalang comedienne, vlogger, at Binibining Pilipinas 2022 first runner-up.

Si Estrada ay nakilala ni Herlene noong panahong Wowowin host pa ang huli.

Nilapitan ni Herlene si Estrada noong kasagsagan ng coronavirus pandemic para mabigyan siya ng mga pagkakakitaan.

Sa loob ng panahong iyon ay naging magkaibigan din sila.

Pero nasira ang relasyon ng dalawa.

Nagsadya si Herlene sa Wanted Sa Radyo public service program ni Senator Raffy Tulfo, nitong Martes ng hapon, October 4, 2022, para isumbong ang naging trato sa kanya ni Estrada.

Sinabi ni Herlene na manager niya si Elize, pero wala silang kontratang pinirmahan.

Reklamo ni Herlene, hindi ibinigay sa kanya ni Estrada ang lahat ng mga pera na kinita niya.

Mahigit isang milyong piso umano ang halaga ng pera na binabawi niya mula kay Estrada, pero ito pa raw ang nagsabi na siya ang may malaki na pagkakautang.

Sinisingil siya umano ni Estrada ng PHP1,000 kada araw para sa walong buwang ginasta umano nito para sa pagpapatira sa kanya, pagsundo’t hatid, at ibang expenses.

ELIZE ESTRADA DENIES HERLENE’S ACCUSATIONS

Mariing pinabulaanan ni Estrada ang akusasyon ni Herlene.

Hiningi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang panig ni Estrada sa pamamagitan ng direct message sa Facebook.

Nangako siya sa awtor na ito na maglalabas ng pahayag tungkol sa mga paratang ni Herlene na nakasisira sa pagkatao niya.

“Meron po ako linawin sa mga sinabi niya,” bungad ni Estrada.

Patuloy niya, “Sobra po kasing damaging ang ginawa niya sa akin, pero kung puwede din ma-interview din ako sa TV para malaman nila kung ano talaga [ang] totoo.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Credibility ko po at private life ko ang sinisira niya para lang mapag-usapan siya.”

Masamang-masama raw ang loob ni Estrada sa mabibigat na akusasyon ni Herlene, lalo na’t hindi natapos sa programa ni Tulfo ang pagsasalita ng comedienne.

HERLENE’S FACEBOOK POST

Matapos ang kanyang guesting sa Wanted Sa Radyo, nag-post si Herlene sa official Facebook page nito ng saloobin tungkol sa isyu na kinasasangkutan nila ni Estrada.

“Marami- maraming salamat po Senator Idol Raffy Tulfo sa pagtulong at pag-action sa aking pinagdadaanan for almost 2 years at nag-suffer po ako sa panahon ng pandemia na indi ko man lang mapa-enjoy ang Nanay Bireng ko hanggang sa pagpanaw n’ya.

“Walang paramdam ang dati kong manager na pinost ko last Sept. 23, 2022 dito sa Fanpage ko.

“Binigyan kita ng mahabang panahon para ayusin etong aberiang [sic] iniwan mo sa akin at wala kang proper endorsement [sa] mga documents at never ako nakakita ng kontrata.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung hindi pa ako nag-pursige at nag-move forward at lumapit kay Ate Madam Inutz at kay Sir Wilbert Tolentino, hanggang ngayon isa po akong walang kamuwang -muwang na tao.”

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Social media comment on David Icke attacks in the Netherlands
Next post Millions Of Chinese Residents Lose Power After Widespread, “Unexpected” Blackouts; Power Company Warns This Is “New Normal”