Herlene Budol accuses former talent manager of “pocketing” her talent fee worth P1M

Bitbit ang mga pinanghahawakang mga ebidensya, lumuluha na humarap at nagsumbong ang comedienne na si Herlene Nicole “Hipon Girl” Budol kay Senator Raffy Tulfo.

Ito ay dahil sa diumano’y panloloko at pananamantala sa kanya ng dating manager at kaibigan na si Elizabeth “Elize” Estrada.

Personal na nagsadya si Herlene sa studio ng public service program ni Tulfo nitong Martes ng hapon, October 4, 2022, para ihain ang reklamo laban kay Estrada.

Nakilala ni Herlene si Elize sa studio ng Wowowin noong co-host pa siya ni Willie Revillame sa programa.

Lahad ng comedienne: “Wala kaming kontrata po. Kaibigan ko po siya, nagpatulong ako sa kanya na rumaket during pandemic kasi walang-wala na po akong trabaho. Sa kanya po ako lumapit.

“Naging kaibigan ko po siya sa Wowowin. Nagtiwala po ako sa kanya. Mama nga po ang turing ko sa kanya.

“Ako po ang lumapit sa kanya. Sinabi ko po sa kanya na, ‘Baka meron po kayong mga raket. Mag-cut na lang po sa akin [ng komisyon].’

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi, walang-wala po ako noong pandemic. Isa po siya sa nagbigay [ng mga raket].”

Pero sinira raw ni Estrada ang tiwala niya rito.

Sa puntong ito inilahad ni Herlene ang insidenteng hindi umano binigay ni Estrada ang talent fee na nararapat para sa kanya.

“Naging endorser po ako ng product. Tapos nung unang araw ng photo shoot namin, nagkaliwaan na po sila [ng bayad].

“Sabi niya, alam ko raw po. Pero sa akin po, hindi ko talaga alam dahil kung alam ko po yun, siyempre, kukunin ko na ang parte ko kasi pagod na pagod po ako nung araw na iyon.

“Pero hindi po niya sinabi sa akin na bayad na po pala,” lahad ni Herlene.

Tinatayang PHP200,000 ang talent fee niya para sa nasabing produkto na iyon, pero wala raw nakarating sa kanyang pera.

Sa kuwenta ni Herlene, mahigit sa isang milyong piso ang kanyang kinita mula sa iba’t ibang mga product endorsement—na hindi niya napakinabangan dahil napasakamay umano ni Estrada.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

HERLENE’S EX-MANAGER DEMANDS PAYMENT FROM HER

Naghihimutok ding inireklamo ni Herlene na hinihingan siya ni Estrada ng 30% commission mula sa talent fee niya sa television guestings.

Pero diin niya, siya ang direktang kausap ng mga kumuha sa kanyang serbisyo.

“Ako po ang may kakilala dun. Gusto niya pong bawiin sa akin ang pera.

“Kailangan daw po may 30% siya sa lahat ng pinagtrabahuan ko raw po,” ang sabi ni Herlene.

Muling napaiyak si Herlene dahil sa awa sa sarili.

“Gusto lang din niya na dumaan sa kanya, tapos ang ending po, hindi ko po akalain na pati sa TV guestings ko, meron siya [na kukuning komisyon].

Sa kabila raw ng mga talent fee niya na hindi umano tinurnover ni Estrada, siya para ang lumalabas na may utang dito.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Naluluhang salaysay pa ni Herlene: “Ito po ang computation po niya. Yung pagpatira sa kanila, saka paghatid-sundo niya po sa akin. One thousand per day daw po for eight months. Sinisingil niya po ako.

“Saka yung driving lesson po. Yung kapatid po niyang pulis, tinuruan po ako. Isinabay lang niya po ako sa anak niya po [na nag-aral magmaneho].

“Saka yung pagtira ko po dun sa kanila ng one to two months daw po. Parang ako pa po yung may utang sa kanya po,” ang patuloy sa pagluha na salaysay ni Herlene.

Nais raw ni Herlene na makamit ang hustisya sa nangyari sa kanya.

ESTRADA REACHED FOR COMMENT

Sinubukan ng staff ni Tulfo na kunin ang panig ni Estrada tungkol sa mga reklamo ni Herlene, pero sinabi ng sumagot sa telepono na wala ito sa tahanan nito.

Sinabi ng resident legal counsel ng public service program ni Tulfo na si Atty. Garreth Tungol na maaring magsampa si Herlene ng mga reklamang qualified theft o estafa laban kay Estrada.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Kinontak na rin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Estrada para hingan ito ng opisyal na pahayag hinggil sa binitawang akusasyon ni Herlene.

Agad namin itong ilalathala sa oras na matanggap namin ito.

Nananatiling bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Dr. Shimon Yanowitz Discusses Covid Injection Vial Contents – We are in a Genocidal War
Next post Technocratic Tyranny – David Icke with Dr Chris Martenson