Heart Evangelista slams basher’s “It’s all about the boobs” comment: “Should I remove mine?”

Naimbiyerna ang Kapuso actress na si Heart Evangelista sa isang basher na pinagdiskitahan ang kanyang boobs.

Sa Twitter ngayong araw, July 19, 2022, ibinahagi ng GMA News ang balita tungkol sa collaborative art prints na gawa ni Heart at ng Incubus frontman na si Brandon Boyd.

Sa main photo ng artikulo ay medyo kita ang gilid ng suso ni Heart.

Puna ng basher, parang puro boobs na lang ni Heart ang mga nakabalandra sa social media.

Komento nito: “It’s all about the boobs for heart nowadays.”

Continue reading below ↓

Napansin kaagad ito ni Heart at ni-repost ang komento ng basher sa kanyang account.

Ayon sa aktres, lahat ng tao — babae man o lalaki — ay may suso. Kailangan ba daw niyang tanggalin ang sa kanya para lamang mapasaya ang nasabing basher?

Nalalabuan daw siya sa logic ng basher.

Buong caption ni Heart: “Men and women have boobs. Should I remove mine? You tell me since you are very logical labo mo tol.”

Continue reading below ↓

Sa pagbisita sa account ng basher, mukhang puntirya talaga nito si Heart dahil may iba pa itong posts laban sa aktres.

Payo ng isang follower kay Heart: “Just ignore the stupid people”

Ayon naman kay Heart, ini-enjoy niya ang pagsagut-sagot sa bashers.

Aniya, “Don’t worry I was just having fun.”

Continue reading below ↓

Kasalukuyang nasa France si Heart para sa Paris Fashion Week.

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Previous post Andrea Torres proud ate to brother with special needs: “Forever namin siyang baby.”
Next post Marcus Madrigal on financial challenges during pandemic: “Nagtinda kami, di lang food, anything…”