Heart Evangelista no greeting post for Chiz Escudero’s birthday; Chiz still wears wedding ring

Nagtatanong ang netizens dahil tila walang birthday greeting si Heart Evangelista para sa mister na si Senator Francis “Chiz” Escudero.

Mula nang ikasal sila, taun-taon ay laging may sweet birthday greeting post si Heart para sa kabiyak.

Pero nitong Lunes, October 10, 2022, nagdiwang ng kanyang ika-53rd birthday si Chiz, pero napansin ng netizens na walang pagbati si Heart.

Kapansin-pansin namang aktibo si Heart sa pagpo-post sa kanyang social media accounts, ngunit kadalasa’y ukol ito sa fashion.

Ilang buwan na ring usap-usapang on the rocks umano ang marriage nina Heart at Chiz.

NO GREETING POST FROM HEART

Sa kanyang verified social media accounts, gaya ng Facebook at Instagram, nagpasalamat si Senator Chiz sa lahat ng mga nakaalala at bumati sa kanyang kaarawan.

“Taos-pusong pasasalamat po sa lahat nang nagpaabot ng pagbati sa aking kaarawan.

“You truly made my day!” mensahe ng senador ngayong Martes, October 11.

chiz escudero birthday

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Facebook account, may ilang netizens ang nagtanong kay Heart kung bakit wala siyang pagbati para kay Chiz.

Komento ng isa: “Wala man lang greetings, kumare? Sad.”

netizen

Ilan pa ang nagpalitan ng komento tungkol sa hindi raw pagbati ni Heart sa asawa.

Komento ng isa pang netizen: “Di mo na talaga mahal [si] Palaman [Chiz]? No greetings Hearthy,” sabay lagay ng mga halo-halong emojis.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi naman ng isa pa, enjoy si Heart sa mga ginagawa nito sa Paris, France.

netizen and heart evangelista

CHIZ STILL WEARS HIS WEDDING RING

Hindi rin nakaligtas sa mga mapagmasid na netizens na suot-suot pa rin ni Senator Chiz ang wedding ring sa post niya noong October 4, 2022.

Kuha ang photo sa isang pagdinig ng senado noong unang linggo ng Oktubre.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Komento ng isang netizen sa post na iyon, hindi siya mawawalan ng pag-asa hangga’t suot pa ni Chiz ang wedding ring.

Sagot naman ng isang netizen, hindi na raw suot ni Heart ang kanyang wedding ring.

Ganito rin ang comments ng ilan ukol sa ipinost na larawan ni Senator Chiz sa kanyang Instagram noong September 14, 2022.

Suot ng senador ang kanyang wedding ring sa larawan sa isang deliberation sa senado.

Natuwa ang supporters ng mag-asawa, pero kinontra naman ito ng ibang netizens at sinabing hindi naman suot ni Heart ang kanya.

netizens and heart evangelista

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

heart evangelista netizens

Nagsimulang magtanong at magduda ang netizens ukol sa estado ng pagsasama ng dalawa nang mag-post si Heart ng selfie noong August 8, 2022.

Hindi na nga nito suot ang wedding ring at inisip ng ibang ito na ang statement ni Heart kaugnay ng kanyang married life.

Lalo pang tumibay ang hinala ng netizens nang maglabas ng vlog si Heart noong September 2 at inaming may personal struggles siyang pinagdaraanan.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Heart Evangelista admits going through “personal struggles”: “I am really in a search for just being happy.”

Makahulugan din ang mga pahayag ni Heart na sinabing nais niyang maging masaya at hindi nakadepende sa iba.

“At the end of the day, it’s really your inner strength and you being independent about what you want to do in life and not rely on anyone that matters.”

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Official Government Reports prove ‘Covid’ Fake Vaccination is causing Depopulation at a frightening rate
Next post Fascist Cult-Owned Facebook Blocks Aussie Orange Vests From Livestreaming Protests. You are going to jail for the rest of your life Zuckerberg. It’s only a matter of time