Have Sunshine Cruz and Macky Mathay called it quits?

Hiwalay na ba ang ang aktres na si Sunshine Cruz at kanyang boyfriend na si Macky Mathay?

Last September 22, 2022 ay nag-post siya sa kanyang Instagram account ng tungkol sa “realizations.”

Screenshot of Sunshine Cruz' realizations post

Ang kanyang post: “I experienced so much realizations and challenges while I was locked in for 35 days.

“It wasn’t easy coz there’s not much you can do but pray and hope for the best.

“Challenges and trials will always be part of our lives and at the end of the day, we just have to focus on positive things coming our way.

“So much blessings are being given to me and my family afterall.

“Wala akong karapatang mag reklamo.

“Everything happens for a reason, live it, love it, learn from it.”

Nag-unfollow na rin siya kay Macky.

Wala na siyang ibang naging post na magbibigay ng hint tungkol sa kung anuman ang kanyang naging “realization.”

Ang sumunod niyang mga posts ay pawang tungkol sa kanyang mga anak kasama ang iba pang anak ng kanyang ex-husband na si Cesar Montano.

Screenshot of Sunshine Cruz' latest IG post

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

September 25, nag-post siya ng larawan niya na nasa tabing dagat habang sumisikat ang araw.

Nakangiti si Sunshine at tila wala namang pinagdaraanan.

Ang kanyang caption: “There is always something to be grateful for.”

Sa kanya namang realizations post ay nagkomento ang kanyang pinsan na si Donna Cruz ng: “God will work things together for our good, Shine! Love and miss you!

“And we know that all things work together for good to those who love God, to those who are the called according to His purpose. (Romans 8:28 NKJV)”

Ang comment naman ni Ruffa Gutierrez: “Sending you hugs, Shine. Hope you’re doing okay now.”

Sa kanyang huling post ay may mga fans ang actress na nagkomento na sana raw ay hindi totoo na break na sila ni Macky.

Matatandaang nagkita pa sina Macky at Cesar sa 18th birthday ni Sam, ang anak ng actor at ni Sunshine.

Year 2018 pa na-annul ang kasal nina Sunshine at Cesar.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sunshine Cruz and Macky Mathay

Limang taon na rin ang relasyon ng actress kay Macky.

Sa February 16, 2022 interview ng PEP.ph sa panganay na anak nina Sunshine at Cesar na si Angelina ay nabanggit pa nito na suportado niya at ng kanyang mga kapatid kung sakaling magdesisyon ang kanilang ina at si Macky na magpakasal.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sambit ni Angelina sa panayam, “Whatever will make her happy, I will one hundred percent support it.

“At the end of the day, it’s her decision. It’s her and Tito Macky’s decision. Whatever makes her happy, kami ng sisters ko, we’ll support it.”

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Take a look inside the luxury bunkers being built under the ultra-wealthy’s mansions
Next post Dear Parents … Tired of watching your child walk? Then why not let them join the 1,149 people left paralysed by the ‘Covid-19’ fake vaccine?