Grammar nazis call out Raffa Castro for “inside my stomach” post to describe her pregnancy

Hindi nakaligtas sa mga “grammar nazi” ang post ni Raffa Castro tungkol sa pag-amin niyang nagbuntis nga siya at nanganak.

Nitong Lunes, August 22, 2022, nag-post si Raffa sa Instagram ng kanyang maternity photo reveal.

Hindi man niya binanggit kung sino ang ama ng kanyang ipinagbuntis, hayag na sa apat na sulok ng showbiz na ito ay walang iba kundi si Joaquin Domagoso, anak ni dating Manila Mayor Isko Moreno.

Read: Raffa Castro finally admits she got pregnant; shows maternity photo

Ang unang inilgay na caption ni Raffa ay ganito: “Cant believe this was 4 months ago [blue heart emoji] and that the love of my life was inside my stomach [crying face emoji]”

Raffa Castro changes

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pinalusot ng ilang netizens ang paggamit ni Raffa ng salitang “stomach” upang ilarawan kung saan niya dinala ang kanyang sanggol.

Dahil dito, inulan ng nakatutuwang komento ang Facebook post ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanyang pag-amin.

Narito ang ilan:

Raffa Castro changes

Raffa Castro changes

Raffa Castro changes

Raffa Castro changes

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Marahil dahil sa mga puna ng netizens, in-edit na rin ni Raffa ang kanyang post sa Instagram.

“Tummy” na ang inilagay niya kapalit sa “stomach.”

Mababasa rito: “Cant believe this was 4 months ago [blue heart emoji] and that the love of my life was inside my tummy [crying face emoji]”

Raffa Castro changes

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Matapos ang pag-edit ni Raffa sa kanyang caption, isang follower niya ang nagbirong panindigan ng social media influencer ang kanyang post.

Sabi nito: “Hinde sisss. Stomach yan ehh. Panindigan mo. Hahahaha”

Natawa naman si Raffa dito.

Dagdag pa niyang sagot, “GIRLL the last person who left a comment like that deleted it [laughing with tears emoji] what don’t u get?? It’s so weird to put uterus on a caption. I was pregnant for 9 months u think idk what a uterus is HAHAHAH can’t a girl want a cute caption lmaoooo”

Raffa Castro changes

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Tila iritado naman ang kapatid ni Raffa na si Claire Castro sa pamumuna ng netizen.

Komento ng Kapuso actress, “eh bakit masyado kang galit? Inaano ka ng caption? flat earther alert”

Dagdag niya, “like seriously just let people be happy without ruining the moment. Use your energy for good!! Hindi yung troll ka ng troll pag naiingit ka”

Raffa Castro changes

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Suhestiyon naman ng isa pang netizen, “@elluhh.bear @clairevcastro not a basher but i just wanna say this — pwede naman ‘tummy’ po hehe. whats inside your stomach kase are churned food and gastric juices, not your baby.”

Raffa Castro changes

Hindi na ito sinagot nina Raffa at Claire.

Ayon sa report ng Cabinet Files sa PEP.Ph noong June 27, isinilang ni Raffa ang anak nila ni Joaquin sa FEU Medical Center, sa Quezon City, noong April 28, 2022.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Joaquin Domagoso, may two-month-old son na sa kapatid ni Claire Castro

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Google-connected cameras show images inside strangers’ homes
Next post Energy Crisis: Europe Faces Total Chaos As Forced Energy Rationing Begins