GMA-7 defends Bea Alonzo amid Lolit Solis’s attacks against actress

Pinasalamatan ni Bea Alonzo ang kanyang home network na GMA-7 dahil sa pagtatanggol sa kanya sa kinasasangkutan niyang isyu ngayon.

Read:Bea Alonzo’s manager Shirley Kuan breaks silence on Lolit Solis “unprovoked attacks” against Bea

Ngayong Biyernes ng hapon, October 14, 2022, naglabas ng official statement ang GMA Network para ipahayag ang kanilang suporta kay Bea sa gitna ng “paninira” sa aktres.

Sabi ng network: “Wala sa kultura ng Kapuso ang paninira sa kahit sino man at hindi rin namin pinapayagan na pagsalitaan ng hindi totoo ang aming mga artista at programa.

“Maliit ang industriya ng show business, hangad namin ang masaya, mabuti, at maayos na pakikitungo sa bawat isa.”

Masaya rin daw ang network sa pagbibida ngayon ni Bea sa primetime series naStart-Up PH, katambal siAlden Richards.

Nakasaad dito: “Nagpapasalamat kami sa fans, supporters, at followers ni Bea at ng GMA Network sa patuloy na pagmamahal.”

Hindi direktang tinukoy ng GMA-7 sa official statement nito kung ano ang “paninira” kay Bea at kung sino ang may pakana nito.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ngunit mainit na pinag-uusapan ngayon sa showbiz ang walang tigil na tirada ng talent manager at veteran entertainment columnist na si Lolit Solis sa Kapuso actress.

Samantala, ni-repost ni Bea ang screenshot ng artikulo sa GMA website ukol sa official statement ng GMA Network na nagtatanggol sa kanya.

Maikli ngunit makahulugan niyang caption dito: “Thank you.”

Bea Alonzo Lolit Solis

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pag-release ng GMA-7 ng statement ay kasunod ng paglabas ng mga video at artikulo ng eksklusibong panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) sa talent manager ni Bea na si Shirley Kuan.

Dito ay detalyado inihayag ni Shirley ang saloobin kaugnay ng “bullying” ni Lolit kay Bea na nagsimula raw noon pang lumipat ang dating Kapamilya star sa GMA-7 noong 2021.

Lumala ito nang hindi paimbitahan ni Shirley si Lolit sa presscon ni Bea para sa isang beauty brand nitong March 2022.

Narito ang unang bahagi ng exclusive interview ng PEP.ph kay Shirley Kuan:

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post 10 Current Trends of Operation Coronavirus as of September 2021
Next post Consumer Financial Protection Bureau considers investigating PayPal over fining people for legal speech