Former child actress Serena Dalrymple to marry fiancé Thomas Bredillet next week

Ikakasal na ang dating child star na si Serena Dalrymple, 32, sa kanyang fiancé na si Thomas Bredillet sa susunod na linggo.

Ito ang inanunsiyo ni Serena sa kanyang Instagram kahapon, September 25, 2022.

Read: Is former child actress Serena Dalrymple now engaged to foreigner boyfriend?

Ibinahagi rin niya ang timeline ng pagmamahalan nila ng karelasyon.

Ayon kay Serena, 2018 sila nagkakilala ng boyfriend. Noong 2019, nagbakasyon naman sila sa Europe.

Taong 2020, nakabili sila ng bahay sa New Hampshire. Na-engage naman sila noong 2021.

At ngayong taon, 2022, nakatakda na silang ikakasal.

Hindi binanggit ni Serena kung ano ang nationality ni Thomas.

Buong post ni Serena: “A timeline:

“2018 – when we first met, also visited the Philippines [palm tree emoji] and we went to Banff [snow mountain emoji]

“2019 – our trip to Scotland and Paris [baguette bread emoji]

“2020- we bought a home and moved from New York to New Hampshire!

“2021 – we got engaged [ring emoji]

“2022 – we are getting married next week!!! [hearts emoji]”

View this post on Instagram

A post shared by Serena Dalrymple (@sdalrymple)

Sa comments section ay nagpaabot ng pagbati ang ilan sa mga kasamahan noon ni Serena sa Kapamilya network na sina Shaina Magdayao, Rica Peralejo, G Tongi, at John Prats.

Serena Dalrymple upcoming wedding

Sumikat si Serena bilang child actress noong mid-‘90s sa bakuran ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Isa sa tumatak sa publiko tungkol sa kanya ay noong nakasama siya sa isang fastfood chain commercial.

Nakasama rin siya sa ilang mga patok na peikula noon bilang child star.

Ilan sa mga ito ay ang Haba-baba-doo, Puti-puti-poo; ‘Tong Tatlong Tatay Kong Pakitong-kitong; Tik Tak Toys My Kolokotoys; Bata, Bata.. Paano Ka Ginawa?; Ang Tanging Ina; at Wansapantaym The Movie.

Ang huli niyang ginawang pelikula ay Ang Tanging Ina Mo (Last na ‘To!) kasama si Ai-Ai delas Alas noong 2010.

Kahit nasa tugatog noon ang karera ni Serena, nag-lay low ito sa showbiz at tinutukan ang kanyang pag-aaral.

Nagtapos siya ng Bachelor of Arts degree in Business Administration mula sa De La Salle-College of St. Benilde noong 2011.

Natapos naman niya ang kanyang post-graduate studies in International Business sa Hult International Business School sa London.

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Polkadot sees a setback again: Reasons that count
Next post State-Owned Media Agency Leads Campaign to Cancel Science Paper Which Found ‘Climate Emergency’ Not Supported by Data