Former actress Susan Henson dies at 64

Cervical cancer ang ikinamatay ni Susan Henson, ang dating aktres na sumikat noong dekada ’70.

Binawian ng buhay si Susan, sa edad na 64, nitong Miyerkules, September 21, 2022.

Nakatakda ang cremation sa kanyang mga labi ngayong Huwebes, September 22.

Isinilang noong April 15, 1958, nagmula si Susan sa Salvador clan ng showbiz.

Isa siya sa mga nagtataglay ng pinakamagandang mukha noong aktibo pa siya sa pag-arte.

susan henson magazine cover

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ang kaibigan ni Susan na si Liz Alindogan ang nagkumpirma tungkol sa pagpanaw ng dating aktres.

Kaharap si Liz at ang mga kapwa aktres na sina Azenith Briones at Daria Ramirez nang malagutan ng hininga si Susan.

Lahad ni Liz sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), “Hindi namin nakuha ni Daria na umiyak nang mag-expire si Susan dahil nakita namin ang struggle at pain niya. Lumalaban talaga siya.

“Na-witness ko ang pagtawag niya ng ‘Ma!’ sa kanyang kaibigan na si Dez na hindi siya iniwan, 24/7, for almost one month. Remarkable si Dez na former high school classmate ni Susan.”

Sina Liz, Pempe Rodrigo (matalik na kaibigan ni Susan Roces at sister in-law ni Boots Anson Roa-Rodrigo), at ang mga artistang miyembro ng Balik Samahan ang mga tumulong kay Susan nang magkasakit ito.

Ang Balik Samahan ang grupo ng mga beteranong artista ng Philippine entertainment industry.

Labimpitong taong gulang lamang ni Susan nang manalo siya sa isang beauty pageant noong 1975, ang Miss Young Republic of the Philippines. Ito ang naging instrumento ng pagsisimula ng kanyang showbiz career.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Diwang Kayumanggi: Prinsesang Mandirigma ang unang pelikula ni Susan noong 1975.

susan henson movie

Naging paborito siyang kapareha sa pelikula ng mga action star kagaya nina Ramon Revilla, Jun Aristorenas, at Bernard Bonnin.

susan henson bernard bonnin old photo

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Susan Henson with Bernard Bonnin

Ilan sa mga pelikulang pinagbidahan ni Susan noong kapanahunan niya ayTeritoryo Ko Ito, Last Target, Rebelde Numero Uno, Ligaw Tingin, Halik Hangin, Malamig, Mainit Ang Magdamag, at De Calidad.

Si Susan ang nagbida sa unang full-length Hiligaynon film na Ginauhaw Ako, Ginagutom Ako noong 1977.

susan henson old movie

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Naging aktibo siya sa showbiz hanggang noong mid-’80s.

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Renewable Energy Fails Sweden, Braces For Winter Of Power Cuts
Next post Predictive Programming: 1979 German Movie ‘The Hamburg Syndrome’ Looks Like Modern Day ‘Covid-19’ Fake Pandemic