Five rescuers in Bulacan perish while trying to rescue victims of Typhoon Karding

Itinuturing na mga bayani ang limang miyembro ng rescue team na nasawi sa gitna ng paghagupit ni Typhoon Karding nitong September 25, 2022.

Kinilala ang limang rescuers bilang sina George Agustin, Narciso Calayag Jr., Troy Justin Agustin, Jerson Resurreccion, at Marby Bartolome.

Bahagi sila ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na nagsagawa ng rescue mission sa bayan ng San Miguel sa Bulacan.

Magkakahiwalay na natagpuan ang kanilang mga labi sa Brgy. Camias sa San Miguel.

Ayon kay San Miguel Acting Chief of Police PLTCOL Romualdo Andres, nakatanggap sila ng tawag ukol sa limang nasawi umaga ng Lunes, Setyembre 26.

Sa panayam kay Bulacan Governor Daniel Fernando, idinetalye nito ang mga pangyayari.

May nakakita raw sa mga rescuers na bumaba mula sa kanilang truck matapos itong tumirik.

Sumakay sila sa isang bangka para ipagpatuloy ang paghahanap ng mga nasalanta.

Subalit habang naglalayag, tinangay ang kanilang bangka ng malakas na flash flood.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Bumigay rin ang isang bahagi ng pader at bumagsak sa kanilang sinasakyang bangka. Inanod ang mga rescuers.

Nabanggit sa ulat na bukod sa pag-aabot ng tulong sa mga naiwang pamilya ng limang rescuers, bibigyan ng mataas na parangal ang limang bayaning nasawi habang nasa tungkulin.

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Gruesome Gladys the Australian NSW premier RESIGNS amid corruption probe and says her only regret is not seeing end to her own draconian lockdown. Fascists and corruption can usually be found in the same sentence
Next post Security Solutions for U.S. Schools Includes A.I. Gun-Detection Tech, Full-Body Scanners, Online Monitoring; Est. $3B/Year Industry