Ex-PBB housemate Rhys Miguel accuses singer-actor Patrick Quiroz of inappropriate sexual behavior

Ibinunyag ngayon ng ABS-CBN artist na si Rhys Miguel Eugenio, 23, na pinagsamantalahan diumano siya ng singer-actor na si Patrick Quiroz, 23.

Sina Rhys at Patrick ay parehong dating artista ng ABS-CBN.

Kapwa rin sila naging bahagi ng Rise Artists Studio, ang training and management subsidiary ng ABS-CBN Films, sa pakikipagtulungan sa Star Magic, ang talent management arm naman ng ABS-CBN.

Ngayon ay pareho na silang wala sa bakuran ng ABS-CBN.

Lumipat na si Patrick sa GMA-7, kung saan napapanood siya sa weekly musical-variety show na All-Out Sundays. Nasa pangangalaga na siya ngayon ng Cornerstone Management, Inc.

Si Rhys ay napabalitang lumipat na rin sa GMA-7 at kabilang na sa talents ng Sparkle, ang talent management arm ng Kapuso network na dating kilala bilang GMA Artist Center.

rhys’s story


Inilahad ni Rhys ang naranasan niya umano kay Patrick, sa pamamagitan ng Instagram Live nitong Martes ng gabi, October 11, 2022.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sa video, na kumakalat na ngayon sa social media, tinanong ni Rhys ang kanyang followers kung kilala ng mga ito si Patrick Quiroz.

Tila may nagtanong naman sa comments kung okay ba itong si Rhys. Sagot ng binata: “Ako, hindi ako okay.”

Pagkatapos ay muli niyang tinanong ang mga nanonood sa kanya sa Instagram Live: “Kilala niyo ba si Patrick Quiroz?”

Kasunod nito ay ikinuwento na ni Rhys, na nakasuot ng shades, ang ilang kaganapan nang magkasama sila ni Patrick sa lock-in taping ng isang palabas na hindi niya tuluyang sinabi ang pamagat.

“Nagte-taping na kami sa He’s… para safe tayo,” pagputol ni Rhys sa sarili.

Hindi man itinuloy ni Rhys ang titulo ng pinagsamahan nilang serye, hindi kailang nagkasama sila ni Patrick saHe’s Into Her, na pinagbidahan nina Belle MarianoatDonny Pangilinan at ipinalabas sa iWantTFC noong 2021.

Sa una ay wala raw siyang problema kay Patrick. Pero lumaon ay nalaman niya ang pambabastos na ginawa umano nito sa mga babaeng kasama nila sa taping.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ng Fil-Am na si Rhys: “Yung babae, may hawak na lollipop. Tapos yung sinasabi ni Patrick, nung hinahawak nung girl yung lollipop, sabi niya, ‘Wow, buti naman kasya yung malaki sa bibig mo.’”

Unang reaksiyon daw ni Rhys ay gusto niyang suntukin si Patrick, pero wala siyang ginawa dahil wala naman siya roon mismo nang mangyari ang insidente.

Isinumbong lang daw ito sa kanya ng mga babaeng sinabihan ni Patrick.

TWO GIRLS IN A ROOM

Ang sumunod daw na insidente ay noong nagkasama-sama ang lahat ng cast ng serye sa isang kuwarto para mag-bonding.

Nang subukan daw ng “dalawang girls” na umalis ng kuwarto ay hinawakan daw ni Patrick sa “wrist” ang mga ito.

Kuwento ni Rhys: “Nung ginawa niya ‘yan, tumayo ako. Sabi ko, parang, ‘You don’t wanna do this right now. If you’re holding them and they’re trying to get out of the room, if I have to stand up and I have to question you, may problem na. So, if you keep going pa, hindi ko alam ang mangyayari sa iyo.'”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Nilinaw raw ni Rhys kay Patrick na hindi “prank” ang sinabi niyang ito.

rhys miguel ig live

TISSUES FILLED WITH…

Pagkatapos nito ay ikinuwento naman ni Rhys ang sleeping arrangements nila sa lock-in taping ng kanilang teleserye.

“May mga roommates, may mga ganun…” sabi niya. “Nung nagising ako sa room ko, merong tissues. Yung roommate ko, si Joao [Constancia], meron kaming bagong tissue box, bagung-bago lang, ubos yung tissue box namin. Ubos siya.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Nagulat daw siya nang makita sa paligid ng kanyang kama ang nagkalat na tissues na puno ng “cum” o semilya ng lalake.

Ayon kay Rhys, ang nagmamay-ari ng mga nagkalat na tissue na may semilya sa paligid ng kanyang kama ay si Patrick.

Hindi sinabi ni Rhys kung paano niya nalaman na kay Patrick galing ang mga tisssue na nagkalat sa kanyang kuwarto.

Habang nagbabasa ng comments ay binanggit ni Rhys ang pangalan ng isang nag-comment sa IG Live niya na kung tatanungin daw ay “sasabihin niya ang totoo sa inyo.”

Pero hindi na idinetalye ni Rhys kung ano ang ibig niyang sabihin.

RUNNING AFTER PATRICK

Kasunod nito ay ikinuwento na ni Rhys ang pangmomolestiya na ginawa umano sa kanya ni Patrick.

“Afterwards, I woke up in the morning. Nung nagising ako, as in ito, raw na raw ‘to,” pagtukoy ni Rhys sa maselang bahagi ng kanyang katawan.

Pagpapatuloy nito, “Okay, malambot yung hotdog ko, dy*nady*kol [masturbating] yung lambot na hotdog ko, kini-kiss-kiss niya ako.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Nagising ako, nung nagising ako, hinabul-habol ko siya.

“Nung hinahabul-habol ko siya, tinago siya sa kuwarto.”

Sabi raw kay Rhys ng isang miyembro ng management ng serye na umalis na si Patrick sa lock-in taping o location.

Ayon pa kay Rhys, tatlong araw bago nangyari ang insidenteng iyon sa kanya, may ginawa rin umano si Patrick sa “dalawang talents namin.”

Pero ang desisyon daw ng management ay panatilihin si Patrick sa taping dahil “konti na lang yung oras ng shooting.”

Ngunit pagkatapos nito ay nangyari sa kanya ang ginawa umano ni Patrick sa dalawang talents. Hindi na idinetalye ni Rhys kung ano ito.

Giit lamang ni Rhys: “Sabihin niyo kahit anong gusto niyong sabihin. Sinasabi ko lang yung totoo.”

Kahit daw itanong pa sa ibang cast members ng show na kinabilangan nila ni Patrick dahil alam nila ang mga pangyayari.

Marami pa raw alam si Rhys na insidenteng sangkot ang iba pang kasamahan sa cast, pero hindi na niya sasabihin dahil hindi raw niya kuwento iyon.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ang ibinabahagi lang daw niya ay ang nangyari sa kanya.

Dagdag lang ni Rhys patungkol kay Patrick: “Lalake, may hitsura, artista pa… morena, mestiza, mestizo, whatever, ganun pa rin ang ginawa niya.”

“YOU DID NOTHING!”

Kinastigo naman ni Rhys ang isang nagkomento sa kanyang IG Live. Lumalabas na nakasama nila ni Patrick ang taong ito sa taping at naging saksi ito sa insidente.

Saad ni Rhys: “Honestly, you know who you are… shut up, shut up, for real, honestly.

“‘Cause, honestly, you should have my back right now because you were the ones that saw him running out of my room after this issue happened, when I was… running, chasing after him, and you sat there doing nothing. Doing nothing!”

Idiniin ni Rhys na hindi siya okay kahit isang taon na ang nakalilipas mula nang mangyari ang insidente.

Pagpapatuloy niya sa kausap niyang tao: “Out of everybody, you should have my back. You saw him running out of my room and you tell me to chill?

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“So, you want me to chill and not say what happened to me? Seriously, you don’t want me to say what happened to me?”

Tumagal pa ng ilang sandali ang palitan ng mensahe ni Rhys at ng kanyang kausap na itinuring daw niyang “brother” ngunit wala raw ginawa upang suportahan siya.

Sabi ni Rhys: “You know, there’s a lot more f*ck*d-up stuff that I can say but I can’t say because I’ll get sued.”

TELLING HIS PARENTS

Hindi raw sinabi ni Rhys kaagad sa kanyang mga magulang ang nangyari sa kanya dahil alam niyang kapag nalaman nila ito, hindi matutuloy ang “series on Netflix,” bilang pagtukoy sa seryeng pinagsamahan nila ni Patrick.

“But I kept going, I stayed strong for the series,” ani Rhys.

Sa isang bahagi ng video, tinanong ni Rhys ang mga nanonood ng kanyang IG Live kung ano ang gagawin ng mga magulang kapag nalaman nilang ang anak nila ay “sexually assaulted.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Question: what do you think they would do?

“‘Cause my parents wanted to meet Patrick’s parents in person. My dad wanted to beat Patrick dad’s ass while I beat Patrick’s ass.”

Noong tinanong daw si Rhys ng network management kung ano ang gusto nitong mangyari, ang sagot daw ni Rhys ay: “I wanna be in a room alone wih him for 20 seconds.”

Maaari raw siyang magdemanda dahil hawak niya ang lahat ng “tissues of cum in a plastic bag” na galing kay Patrick.

“I have proof of everything and I have multiple witnesses,” sabi nito.

Hindi raw alintana ni Rhys ang mga negatibong komentong lumalabas sa kanyang feed dahil gusto lamang niyang maglabas ng nararamdaman niya.

Dito ay naghayag din ng pagkadismaya si Rhys sa “management” dahil wala umano itong ginawa.

Sinabi rin ni Rhys na maglalabas siya ng YouTube video kung saan idedetalye niya ang mga pangyayari.

Tahasan ding tinawag ni Rhys na “rapist” si Patrick nang sagutin niya ang komento tungkol sa “clout chase.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Mariin niyang sabi: “Honestly, the f*ck do I have to clout chase for? I have clout.

“What kind of clout does Patrick has? What kind of clout [does] this rapist f*ck*n’ have? Honestly.

“I DON’T LET THIS SHI*T GO”

Sabi pa ni Rhys tungkol sa pagsasalita niya ngayon: “I am defending myself. I am defending my co-artists that have been f*ck*ng raped.

“If you think that’s a joke, that’s funny. It really is.

“And he thinks he can get away with it, he can go do singing competitions and do all this sh*t, that’s funny.”

Ang tinutukoy ni Rhys ay ang pagsali ni Patrick sa TV5 singing competition program na Sing Galing, kung saan siya ang itinanghal na champion ng celebrity edition.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Read:Patrick Quiroz wins first Sing Galing! Sing-lebrity Edition

Nagbanta pa si Rhys na dadalhin niya sa korte si Patrick.

Aniya, “If the government and the system doesn’t handle it, I will tell you, I will handle it ’cause I don’t let this sh*t go.”

Sinagot din ni Rhys ang tanong kung bakit ngayon lamang siya nagsalita gayong mahigit isang taon na ang nakalilipas mula nang mangyari ang insidente.

Sabi niya: “I’ve been trying to make this up for months and a lot of people have been trying to stop me.

“And finally I don’t care about those people and I just want to make it about me. Share what happened to me so it doesn’t happen to anybody else.”

ABS-CBN FILM PRODUCTIONS STATEMENT

Kaugnay ng pahayag ni Rhys na walang ginawa ang “management” sa kinasangkutan niyang insidente, naglabas ng opisyal na pahayag ang ABS-CBN Film Productions, Inc. (Star Cinema) sa kaniyang social media accounts.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ang nasabing produksiyon ang namahala ng He’s Into Her, ang seryeng pinagsamahan nina Rhys at Patrick.

Tila kinumpirma ng ABS-CBN Films na may insidente ngang nangyari sa taping ng serye.

Pero taliwas sa pahayag ni Rhys, nilinaw ng ABS-CBN Films na kaagad nagsagawa ito ng imbestigasyon nang matanggap ang reklamo ng young actor noong December 2020.

Gumawa rin daw sila ng kaukulang aksyon upang maprotektahan ang karapatan ng mga sangkot.

Narito ang kabuuang pahayag ng ABS-CBN Films:

abs-cbn films

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

EFFORTS OF PEP.PH

Habang isinusulat ang artikulong ito ay nagpadala ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Patrick, sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram. Wala kaming natatanggap na sagot.

Tinawagan din namin sa telepono ang numero ng handler niya, na nakalagay sa Instagram account ng singer-actor. Wala ring sumasagot.

Ilang beses sinubukan ng PEP.ph na tawagan sa telepono si Erickson Raymundo, ang pinuno ng Cornerstone Management na nangangalaga sa career ng actor-singer, ngunit hindi rin nito sinasagot ang aming tawag.

Nagpadala rin kami ng mensahe sa Rise Studio Artists, ngunit ang sagot nito ay hindi na kabilang sa kanilang roster of talents si Rhys.

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa panig ng mga sangkot sa isyung ito at kaagad namin ilalathala.

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Immunisation Expert Warns That Fake Vaccinated People are the Real Threat and Dangerous to Others
Next post Electric Vehicles Exploding In Florida After Water Damage