Ejay Falcon now engaged to Jana Roxas

Magkasama habang-buhay.

Ito ang pangako ni Oriental Mindoro Vice Governor Ejay Falcon sa longtime girlfriend niyang si Jana Roxas.

Engaged na ang couple matapos mag-propose si Ejay sa birthday salubong para sa 32nd birthday ni Jana noong Linggo ng gabi, August 21, 2022.

August 22 ang mismong kaarawan ni Jana.

Tanging mga pamilya nina Ejay, Jana, at piling mga kaibigang ang dumalo sa okasyon.

Naroon din si Oriental Mindoro Governor Humerlito “Bonz” Dolor at misis nito pati na isang kasamahan ni Ejay sa Sangguniang Panlalawigan.

Read: Ejay Falcon’s dad moved to tears during actor’s inauguration as vice governor

Sa gitna ng handaan, idineklara ni Ejay ang pagmamahal para kay Jana at saka lumuhod at inilabas ang engagement ring para sa dalaga.

Sabi ng 32-year-old actor-turned-politician: “Siyempre alam ko birthday mo ngayon, pero ibigay mo naman sa akin ang pagkakataon na ito na ako naman ang may hilingin.

“Baby, gusto kita makasama habang buhay. Will you marry me?”

Hindi napigilan ni Jana na maging emosyunal habang naguluhang sumagot ng “Yes.”

Naghiyawan naman ang guests na lubos ang saya para sa simula ng bagong yugto sa buhay ng couple.

Parehong produkto ng reality shows sina Ejay at Jana.

Si Ejay ay Big Winner ng Pinoy Big Brother Reality Teen Edition Plus ng ABS-CBN noong 2008.

Si Jana ay mula StarStruck Season 3 ng GMA-7 noong 2006.

Six years na silang magkasintahan.

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Different Faces, Same Cult – David Icke
Next post What Is The Internet Of Bodies (IoB)? And How Is It Changing Our World?