Donnalyn Bartolome refuses to apologize for kanto-themed party; shows proof of life’s struggles

Hindi hihingi ng kapatawaran si Donnalyn Bartolome matapos mag-viral ang kanyang kanto-themed birthday party vlog.

Sa nasabing selebrasyon, muling sinariwa ni Donnalyn ang mga bagay-bagay noong walang-wala pa siya.

Ilan sa mga pinagsaluhan nila sa kanyang kanto-themed birthday ay lumpia, isaw, kwek-kwek, betamax (dugo ng baboy), mani, at balut.

Ang kanya namang cake ay sinaing na may tutong.

Ilan sa mga inumin nila ay gin, beer, brandy, at rhum.

Read: Donnalyn Bartolome marks 28th birthday with kanto-themed party

Hindi ito nakaligtas sa ilang netizens na nagsabing “poverty porn” daw ang kanyang vlog.

Maging si Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen ay nagpasaring sa “lavish kanto themed party” ng hindi niya tinukoy na tao sa kanyang tweet nitong nakaraang August 17, 2022.

Ayon kay Leonen, “insensitive” ito dahil hindi dapat ipagdiwang ng mga mayayaman ang kahirapan. Bagkus, dapat humanap ng kaparaanan ang mga ito para makatulong.

Read: Supreme Court Justice takes a swipe at “insensitive” kanto-themed party; Donnalyn Bartolome defends self

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Facebook kahapon, August 18, pinanindigan ni Donnalyn na walang mali sa kanyang selebrasyon kung saan nagbalik-tanaw lamang siya sa kanyang nakaraan.

Giit niya, kapag may nakita siyang mali ay hindi siya mag-aatubiling humingi ng dispensa.

Pero sa pagkakataong ito, wala raw siyang nakikitang kamalian sa kanyang ginawa.

Sabi niya, “Para sa mga Pa-Woke but are sleep walking. Kilala niyo ako, I apologize when I’m wrong but when I’m not, I will fight for what I believe in.”

SHOWS PICTURES AS PROOF OF PROGRESS

Sa kanyang mahabang mensahe, sinamahan ito ni Dnnalyn ng mga lumang larawan kung saan makikita siyang sumakay sa MRT, jeep, tricycle, kumakain ng kwek-kwek, kumakanta sa videoke, nagsagala, nag-mukbang ng tutong na kanin, at iba pa.

Saad niya (published as is), “That kanto birthday party is my history. These pictures are proof. Yung minamata ako ng mga tao noon after ko umalis saamin cause I had no money, pati pagkain ko ng kwek kwek tinatawag akong poor.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Pati pagsakay ko ng jeep. ‘Wag ka magkakamali na pagisipan siya ng cheap, wala lang talagang kaso sakanya kung magjeep’ saan sa tingin niyo nakukuha lyrics sa kanta ko? I’ve always been so proud of everything I’ve been through cause hindi naman ako basta tumambay lang eh, nagtrabaho ako.

“Wag niyo nadin pakeelaman yung cake na tutong kasi prank lang naman yun ng mga friends ko, wala ba kayong friends na loko loko? Noon pang meme yung cake yan na inside joke sa mga barkada ah?

“Asin ba at toyo pinakain ko sa guests ko para sabihin niyong poverty mockery? May mga milyonaryo na nagKakanto bday party because THIS IS THE FILIPINO CULTURE. Not a theme. Gusto niyo pabonggahan na party? Choice niyo yun. Walang masama sa simple o bongga basta afford mo.”

Hinikayat ni Donnalyn ang netizens na panoorin nang buo ang kanyang vlog dahil kapupulutan daw ito ng aral ng mga taong nais magtagumpay sa buhay gaya niya.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Hindi niyo kasi tinapos yung video na ginamit ko tong birthday ko para magbigay lakas ng loob sa mga taong pinagdadaanan yung pinagdaanan ko. That there’s light at the end of the tunnel basta wag ka mag-Ggive up. That the key to success is to believe in yourself.

“Noon kung makapangmata yung iba sa mga nagkakanto birthday party wagas(dami ko naencounter na ganito shet) now that I’ve suddenly made it cool by being proud of it at yung mga kanto party peeps are happy about it galit na galit yung iba?

“Eh yung mga mapangmata na mga tao nga dahilan bakit minsan umuutang pa yung ibang tao para makapagbirthday ng ‘bongga’ kasi ayaw nila mapahiya, eh wala namang nakakahiya sa kung anong kaya mo lang basta nandun true family and friends, Syempre hindi yun yung message na nakuha ng sleepwalkers sa vlog kasi focus sila sa negative.”

“NAGPAPAKATOTOO LANG AKO.”

Kinuwestiyon din ni Donnalyn ang mga humuhusga sa kanya.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Wala raw karapatan ang mga itong alipustahin siya dahil nagpakatotoo lamang siya sa buhay.

Aniya, “Bawal na ba maging ako? Nagpapakatotoo lang ako. Sino ka para pagsabihan ako na mali bumalik sa dati kong gawi?

“Sino ka para husgahan pagpapakilala ko sa mga new friends ko kung saan ako nanggaling? Sino ka para pakeelaman yung tutong cake giving friendship dynamic namin?

“Gusto mo makita kung gaano ko kahilig sa extra rice para magets mo bakit tutong cake? Manuod ka po ng rice mukbang ko.

“I collected pics of me when I left home, payat na payat, kulang lagi pambayad ng bills at tuition fee kasi nga tumayo ako sa sarili kong paa. Mga bagay na di niyo alam kasi di niyo naman pinanood yung vlog eh. Nagsalita lang kayo nang wala kayong alam.

“At sa news outlets po, wala pa sa 5% yung nagsabing di okay yung vlog vs people who loved it. You’re just shining the light on whatever’s worse for engagement.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinagdiwang ni Donnalyn ang kanyang ika-28 kaarawan noong July 11.

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Previous post Disco Droppings Talks To David Icke
Next post New Paper: FCC Broke Environmental Law By Approving SpaceX Satellites To Blast 5G And WiFi At Earth