Director Paul Soriano on press secretary offer: “I feel that the position needs more qualified people.”

Kinumpirma ng film and commercial director na si Paul Soriano na inalok sa kanya ang posisyong press secretary sa gobyerno ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Read: Paul Soriano denies being offered government post after Marcos Jr. win

Ngunit may agam-agam siya upang tanggapin ito. Naniniwala siyang mas may kakayanan at kuwalipikado na taong nararapat sa posisyon.

Sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News Online ngayong araw, October 5, 2022, sinabi ni Soriano na mas makakatulong siya sa administrasyon kapag nagtatarabaho siya sa likod ng camera.

Paliwanag ni Paul, “Yes, there was a conversation but I feel that the position needs more qualified people to help the President.

“I can be of better service behind the scenes working with the President‘s media and communications team.”

Si Paul at ang asawa nitong si Toni Gonzaga ay masugid na tagasuporta sa kampanya ni Marcos, Jr. at sa partido nitong UniTeam nitong nakaraang May 2022 elections.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ninong at ninang din nila sa kasal ang Presidente at ang asawa nitong si First Lady Liza Araneta-Marcos, na tiyahin naman ni Paul.

Si Paul ang namamahala bilang direktor sa malalaking events ng kampanya ng UniTeam pati na sa inauguration ni President Bongbong at sa kauna-unahang State of the State of the Nation Address (SONA) nito.

Dagdag pa niya, “I know my strengths, I know what I can give him. I am better utilized at the background than be in front of the camera.

“At the end of the day, my main mandate is to send out the message that we have a hard working leader that sadly people don’t see.”

Sa ngayon, pinaghahandaan na ng team ni Paul ang first 100 days media campaign ng Pangulo.

Sabi pa niya, “As I told the President this morning, if there’s a need for me to help, I will be there in whatever capacity.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“At the sidelines, I’ve been supporting him from the start and I will continue to do that. He can count on us.”

PRESS SECRETARY POST STILL VACANT

Ang iba pang ikinunsidera sa puwesto ay sina Transportation Undersecretary Cesar Chavez at former broadcaster at Cavite Congressman Gilbert Remulla.

Ayon kay Remulla, “I did not apply, I am happy where I am now as board director of Philippines Games and Amusement Board (Pagcor).”

Saad naman ni Chavez, na dating chief of staff ni former Manila Mayor Isko Moreno at station manager ng DZRH,“I did not apply and I did not express interest. Tama na ako dito as undersecretary at the Department of Transportation.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ang isa pa diumanong pangalan na lumutang ay si former Press Secretary at ngayon ay Public Relations head ng Metro Pacific Investments Corp. Government Relations na si Atty. Mike Toledo.

Nagbitiw sa puwesto si dating Press Secretary Trixie Cruz-Angeles kahapon, October 4, dahil sa health reason.

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Australia’s Medicine Regulator confirms there have been nine times as many deaths due to the ‘Covid-19’ fake vaccines in just 7 months than deaths due to all other Vaccines combined in over 50 years
Next post Man of the people? No, man of the cult – David Icke Dot-Connector Videocast