Diana Zubiri recalls countless failed auditions in ABS-CBN: “Sinisiksik ko yung sarili ko.”

Nagbalik-tanaw si Diana Zubiri, 37, nung panahong ilang beses siyang nag-audition noon sa ABS-CBN pero hindi nakapasa kahit minsan.

Kuwento ni Diana, nagkaroon siya ng interes na mag-artista pagsapit ng high school, subalit hindi niya alam kung paano magsisimulang mag-audition.

“May nakita ako diyan, Channel 2, naalala ko mga audition ng Star Circle,” lahad ni Diana sa kanyang YouTube vlog noong August 5, 2022.

Star Circle ang tawag sa batches ng aspiring artists ng Star Magic, ang talent management arm ng Kapamilya network.

“Aaminin ko po, simula Star Circle 1 hanggang 10, ako po ay nag-apply, pero naligwak ang lola niyo, pero okay lang naman,” pagsisiwalat ni Diana.

Suki raw siya noon ng ABS-CBN shows at madalas puntahan ang network premises sa hangad na madiskubre siya.

“Tapos talagang nanonood ako ng Apo Hiking Society. Pumipila ako sa harap ng ABS-CBN para maging audience.

“Tapos tumitigin-tingin ako sa hallway, ‘Sana ma-discover ako dito,’ may mga ganung effect pa ako dati!” natatawang pagbabalik-tanaw ng aktres.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy ni Diana, “Tapos hindi talaga ako natanggap. Kaya sabi ko, after ko ng high school, hindi na nga ako mag-aartista.

“Siyempre, nasiraan na ako ng loob, di ba, parang wala na akong pag-asa, kasi nga naman ang haba na ng audition ko.”

Ayon kay Diana, mula nang mag-umpisa siya ng high school hanggang sa magtapos ng fourth year ay sinubukan niyang mag-audition sa ABS-CBN pero bigo siya palagi.

Pati nga raw ang pag-e-extra sa ABS-CBN shows ay hindi niya pinaligtas.

“Naaala ko pa nga, nagta-talent ako. Yung meron kang suweldo, tatawid ka lang [sa eksena].”

Inalala pa niya nang maging extra siya sa 1998 Star Cinema comedy-horror film na Magandang Hatinggabi, na pinagbidahan nina Angelika dela Cruz at Jericho Rosales.

“Marami akong pinag-ekstrahan. Nanonood ako ng noontime show.

“Talagang sinisiksik ko yung sarili ko. Parang ganun ang pakiramdam ko that time,” ani Diana.

Pati raw ang paulit-ulit na VTR ay pinatulan niya, pero “ligwak talaga ako.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Diana Zubiri Danaya

Diana’s role as Danaya in the GMA-7 fantaserye Encantadia in 2005 made her a household name

HOW DIANA WAS DISCOVERED

Dumating daw sa puntong naisip ni Diana na baka hindi talaga para sa kanya ang pag-aartista.

Nang kumukuha raw siya ng visa para magtrabaho sa Japan, may nakadiskubre sa kanya. Kinukuha siyang artista sa film outfit na Seiko Films.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang catch, magpapaseksi ako,” pagbabahagi ni Diana.

Nagdalawang-isip daw siya dahil hindi nito alam kung kaya niyang magpaseksi. Ayaw raw siyang payagan ng ina, pero bandang huli ay pumayag na rin siya.

Naranasan daw noon ni Diana ang mapagalitan ng direktor at mahirapan sa workshops.

Akala raw niya ay madali lang ang pag-aartista. Napanghinaan din daw siya ng loob.

Pero nabigyan siya ng chance na mag-guest sa Eat Bulaga! at naging semi-regular dito.

Dito na raw siya unti-unting nakikilala ng publiko at naramdaman niyang artista na siya.

Ito rin ang mga panahong ginawa niya ang controversial pictorial sa EDSA-Shaw para sa FHM Magazine noong early 2000.

Bagamat naging kontrobersiyal ang insidente, ito raw ang nagbukas ng mga pinto kay Diana para magsunod-sunod ang mga proyekto niya sa GMA-7.

Naging regular siya sa Bubble Gang at naging isa sa mga bida ng telefantasya na Encantadia, at nagtuluy-tuloy na ang kanyang pagsikat.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

diana zubiri

Diana’s claim to fame was her controversial 2002 shoot in the EDSA-Shaw flyover.

Kabilang sa mga ginawa niyang sexy films sa bakuran ng Seiko Films ang Itlog, Bakat, Kasiping, Liberated, Bikini Open,atSilip.

WHY DIANA DECIDED TO LIVE IN AUSTRALIA

Nang tumama ang pandemya, nagdesisyon si Diana at ang mister niyang si Andy Smith na sa Australia na tumira kasama ang kanilang tatlong anak.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sinagot din ni Diana ang mga nagtatanong kung bakit umalis siya sa Pilipinas at iniwan ang showbiz.

Paliwanag niya, “Twenty years sa showbiz, it’s about time for me para sa pamilya ko. It is my choice to be here po sa Australia.”

Hindi rin daw uubra sa kanya ang lock-in taping dahil may tatlo siyang maliliit na anak.

Update ni Diana, “Aayusin ko po yung papers ko dito, pati mga bata.”

Sa Australia raw niya pag-aaralin ang kanyang mga anak.

Gayunpaman, nilinaw ni Diana na umaasa pa rin siyang makauwi sa Pilipinas at muling babalikan ang showbiz.

“Hinding-hindi ko iiwan ang showbiz. Utang ko sa showbiz ang lahat ng kung anong meron ako,” deklara niya.

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Australian Doctors Are Complicit In Experimentation On The Population
Next post Planes could fly together in V-shaped flocks to save fuel and cut down on emissions amid growing ‘flight shame’ over their environmental impact