David Bunevacz pleads guilty to vape investment scam; faces possible 40 years in jail

Nag-plead ng guilty si David Bunevacz sa mga salang may kinalaman sa panloloko sa cannabis-industry investors sa Amerika.

Si Bunevacz ay dating decathlete na naglaro para sa Pilipinas sa Southeast Asian Games. Mister siya ng dating aktres at talent manager na si Jessica Rodriguez.

Ayon sa federal prosecutors ng California’s Central District noong Biyernes, July 15, 2022 (July 16, Manila time), inako ni Bunevacz ang panglulustay ng perang nagkakahalaga ng $28-M (P1.4-B sa palitang P50 to 1$) mula sa investors ng kanyang fake cannabis vaping business.

Ayon sa ibang ulat, nasa $37-M (P1.8-B sa palitang P50 to 1$) ang naloko umano nito mula sa investors ng kanyang negosyo.

Dagdag pa sa ulat ng www.rollingstone.com, naaresto si Bunevacz noong April 2022 dahil sa mga kasong kinahaharap niya.

Batay sa mga sinabi ng awtoridad, ginamit daw ni Bunevacz ang pera para tustusan ang kanyang maluhong pamumuhay.

Kabilang sa mga ito ang pagbili ng mga mamahaling sasakyan, kabayo, mga mamahaling alahas na may diyamante, Rolex, at Hermes bags.

Continue reading below ↓

Nagsugal din daw ito ng halagang $8-M (P400-M) sa mga casino at gumastos ng $200,000 (P10-M) para sa ika-16 kaarawan ng kanyang anak na babae.

Kahapon, July 18, sa pagharap niya sa federal judge ng Cailfornia Central District, pumayag si Bunevacz na mag-plead ng guilty sa bawat isang count ng securities fraud at wire fraud.

Nakasaad umano sa affidavit: “Bunevacz perpetrated the scam over the course of more than a decade and went to elaborate lengths to deceive his victims: lying about his business connections, forging bank statements and legal settlements, laundering money through shell companies, and concealing prior legal troubles.

“Both crimes Bunevacz pleaded guilty to carry a maximum prison sentence of 20 years, so he could face a total of 40 years.

“He was initially also charged with money laundering and identity theft related to the fraud charges.

“As part of the plea deal, the U.S. Attorney’s Office will move to dismiss those charges, although the judge may consider the dismissed charges when establishing sentencing guidelines. His sentencing has been scheduled for Nov. 21.”

Continue reading below ↓

May mga kontrobersiya ring kinaharap noon sa Pilipinas si David at asawang si Jessica Rodriguez na may kaugnayan sa investors ng kanilang wellness clinic na Beverly Hills 6750.

Read: FIRST READ ON PEP: David Bunevacz and Jessica Rodriguez issue statement from California

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post A scandal worse than thalidomide
Next post How lockdown robbed the poor to enrich the elite