Coco Martin and Julia Montes visit Fernando Poe Jr.’s grave on Da King’s 83rd birthday

Inalala nina Coco Martin at Julia Montes si “Da King” Fernando Poe Jr.—kilala rin sa industriya sa kanyang initials na FPJ—ang kanya sanang ika-83 kaarawan kahapon, August 20, 2022.

Sa pamamagitan ng Instagram, ibinahagi ni Coco ang ilang larawan at video nila ni Julia habang nasa puntod ng yumaong si FPJ sa Manila North Cemetery.

Makikita ritong nagdasal ang dalawa, nagsindi ng kandila, at ang paghimas ni Coco sa malaking litrato ng namayapang action star.

Sabi sa caption ng post, “Maligayang Kaarawan Da King, Mananatili kang inspirasyon, mula noon hanggang ngayon.

“Ang iyong alaala ay habang buhay na nagdadala ng pag-asa sa bawat Pilipino at mananatili itong buhay sa aming lahat. Saludo kami sa iyo nagiisang, Da King! [heart emoji]”

View this post on Instagram

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph)

View this post on Instagram

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph)

Sa isa pang post, pinasalamatan din ni Coco ang namayapang asawa ni FPJ na si Susan Roces.

Aniya, “Maraming maraming salamat po FPJ at Lola Susan! Mahal na mahal ko po kayo! [praying hands, heart emojis]”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
View this post on Instagram

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph)

Idolo ni Coco si FPJ samantalang nakasama naman niya nang matagal sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano si Susan.

Sobrang malapit kay Coco ang namayapang movie queen.

Katunayan, sa pagtatapos ng serye noong August 12, 2022, binigyan ng importansiya ang Lola Flora character ni Susan sa huling kabanata ng palabas.

Ipinakita ang mga eksena niya sa serye noong nabubuhay pa siya.

Sumakabilang-buhay ang Queen of Philippine Movies noong May 20, 2022.

Read: Queen of Philippine Movies Susan Roces dies

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Previous post World Economic Forum to Launch “Great Narrative” Initiative Following the Great Reset
Next post ‘Most brazen anti-competitive scheme in a generation’: 4 tech firms sue Facebook to force Zuckerberg to sell his stake