Christian Bables beast mode against “utak munggo,” “marites” who keep asking about his real sexuality

Sunud-sunod ang banat ni Christian Bables, 29, sa mga taong patuloy na kinukuwestiyon ang kanyang sekswalidad.

Ito ay marahil dahil nata-typecast ang aktor sa gay roles sa telebisyon at pelikula at nananalo pa ng acting awards.

Gayunpaman, sinabi ni Christian sa interview sa kanya ni Ogie Diaz na “straight” ang kanyang sexual orientation.

“Well, I identify as a straight guy, straight man. My preference and my attraction is with the opposite sex,” paliwanag ni Christian sa November 10, 2022 vlog ni Ogie.

Pero dagdag ng aktor, bukas siya sa posibilidad na mahulog ang loob sa kapwa lalaki.

BEAST MODE

Recently, sunud-sunod ang tweets ni Christian tungkol sa walang tigil na pang-uusisa ng mga “Marites” sa kanyang gender.

Halatang gigil si Christian sa kanyang pakikipagsagutan sa netizens.

Kahapon, November 24, nag-tweet ang aktor kaugnay ng isyu.

Aniya (published as is): “Nakakatawang interesadong interesado kayong malaman kung ano ba ang ‘tunay na gender’ ko, na para bang parte yun ng bawat pag hinga at pag utot niyo.”

Pabiro niyang banat: “Ok to set the record straight, TOMBOY po ako. Kung hindi pa kayo maniwala, ewan ko nlng mga hinayupak kayo. Good night mga vuhkla.”

christian bables tweet

Nangatuwiran ang isang netizen. Hindi raw ang sexuality ni Christian ang isyu, kundi para makilala ang tunay niyang pagkatao at “setting expectations” sa mga tao kung iuugnay ba siya sa kapwa lalaki o babae.

Buwelta ni Christian sa netizen: “Nope. THIS. IS. NOT. THE. CASE. Review. And see if tama ang sinasabi mo.

“See how twisted these people are. Do not sugar coat nor validate the Marites. Kaya dumadami eh.”

Isa lang ang nakikita niyang dahilan kung bakit atat daw ang ibang malaman kung straight siya o gay.

Ani Christian, “Gusto nila malaman kung bakla/tomboy or straight ang isang tao, dahil gusto nila makapang husga. Yun yon.”

christian bables tweet

Banat ng isang netizen kay Christian: “Just say you’re straight, if you are.”

Sagot dito ni Christian: “Why the need to say it? Paki ng kung sino man?

“The thing is one’s GENDER is none if anyone’s business, unless interesado kang pumasok sa buhay ng taong yun bilang girlfriend/boyfriend niya.

CONTINUE READING BELOW ↓

NOOD KA MUNA!

“ONE’S IDENTITY SHOULD NEVER BE EXPLAINED, yang punto na yan ang gawin nating straight.”

christian bables tweet

Katuwiran pa ng aktor: “Imagine how excruciating it is for someone to be mocked and to be made a laughing stock, just because of their looks and their made up as a person na hindi pumasa sa standards at ego ng mga kagaya mong utak munggo.

“Itigil mo yan. Para bago ka mamatay, fresh ka gagu”

Deklara ni Christian: “This will be the LAST time na papatulan ko ang kamangmangan na ito. Let’s put it this way, WHAT YOU SEE IS WHAT YOU GET.

“Don’t ask for an explanation coz the world doesn’t revolve around you and your ego. Basta wag kakalimutang rumespeto. Piliing umunawa kesa sa makapanakit. Oki?”

christian bables

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Pahabol niya: “Kidding aside, mami naman! 2023 na! Sana mag evolve kasama ng panahon ang brains natin.

“What you’re doing, my friends, is GENDER STEREOTYPING.

“Ibig sabihin naka kahon parin kayo sa nakaugaliang standards ng kung ano ‘lang’ dapat ang kilos at itsura ng lalaki at babae. Salot yan.”

christian bables tweet

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Quantum-dot tattoos hold vaccination record
Next post One the way to cashless digital money – Britain’s vanishing High Street banks: Lloyds and Halifax announce plans to axe 40 more branches later this year in another bitter blow for people trying to do their banking in person