Cedric Lee testifies against Vhong Navarro in rape case

Ang businessman na si Cedric Lee ang unang testigo sa hearing ng petition for bail ni Vhong Navarro, na inakusahan ng panggagahasa sa model na si Deniece Cornejo.

Noong 2018, sina Cedric at Deniece ay nahatulan ng korte na guilty sa kasong grave coercion bunga ng pambubugbog, pananakot, at pangingikil ng pera kay Vhong Navarro.

Ongoing pa rin ang paglilitis sa kasong illegal detention na isinampa ni Vhong laban sa grupo nina Cedric at Deniece.

READ: A timeline: Vhong Navarro vs Cedric Lee, Deniece Cornejo legal battle

May kinalaman sa dalawang okasyong pagkikita nina Vhong at Deniece noong January 2014 ang masalimuot na legal battle na kinahaharap ni Vhong mula noon hanggang ngayon.

Sa kasong rape, si Vhong ang akusado.

Nitong Huwebes ng hapon, October 13, 2022, naganap ang pagbibigay ni Cedric ng testimonya laban kay Vhong sa Branch 69 ng Regional Trial Court ng Taguig City.

Pero tumanggi si Cedric na magpainterbyu sa mga miyembro ng media na naghintay sa kanyang pagdating.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Si Atty. Maggie Abraham Garduque ang collaborating counsel para sa kaso ni Vhong.

Siya ang tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa petisyon ni Vhong na makapagpiyansa at makalaya mula sa detention.

“Cedric Lee was presented today for the first hearing for petition for bail. His testimony was terminated also today. Meaning direct, cross, redirect, and recross were conducted.

“As per the prosecution, they will present four other witnesses for petition for bail. The other four witnesses will be presented on different dates,” saad ng abugada.

Ipiprisinta ng kampo ni Deniece hanggang sa November 10 ang apat na testigo niya bilang pagkontra sa petisyon ni Vhong na payagan ito ng korte na magpiyansa.

Kapag nabigo ang prosecution na patunayang malakas ang ebidensiya nila laban kay Vhong, magkakaroon ng karapatan ang TV host-comedian na maglagak ng piyansa para makalaya siya.

“If we will able to prove that after the presentation of the evidence of the prosecution, then the accused has a matter of right to post bail,” dagdag ni Atty, Abraham-Garduque.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Si Vhong ay nakakulong sa National Bureau of Investigation simula pa noong September 19, 2022 dahil sa bisa ng warrant of arrest para sa non-bailable rape case.

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Anne Curtis reveals online shopping “budols” for Dahlia
Next post ‘Lizard Elite’ Conspiracy Theorist Banned from 26 European Countries