Bince Operiano’s father grateful to all who helped; clarifies tournament has no cash prize

Karangalan para sa Pilipinas ang apat na medalyang naiuwi ni Bince Rafael Operiano, 9, tubong Oas, Albay.

Nakasungkit siya ng isang gold, isang silver, dalawang bronze, isang trophy, at certificates mula sa 6th Eastern Asia Youth Chess Championship.

Walang cash prize ang tournament na ginanap noong November 4-12, 2022 sa Bangkok, Thailand.

Gayunpaman, masaya ang ama ni Bince na si Benrose “Ben” Operiano, 36, na nakapag-uwi ng karangalan ang anak sa bansa.

Read: Kuwento tungkol sa paglipad mag-isa ng chess champ na si Bince Operiano sa Thailand

Ito ay sa kabila ng paghihirap na dinanas nila makarating lang sa Thailand.

Nariyang natulog muna ang mag-ama sa airport.

Si Bince ay mag-isang bumiyahe patungong Thailand, dahil para sa kanya lang ang biniling plane ticket ng sponsor.

Nag-antay muna si Ben sa airport habang inaantay naman ang perang pambili ng plane ticket niya.

Dahil unang beses na nawalay si Bince sa ama, iyak ito nang iyak. Ang paghihiwalay nila—bagamat isang araw lamang—ay nagkaroon ito ng epekto sa mga naunang laro ng bata.

bince operiano chess prodigy

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pamamagitan ng video call, ibinahagi ni Ben sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang mga pinagdaanan nilang mag-ama bago ang matamis na tagumpay ni Bince.

NO CASH PRIZE

“Siyempre, masaya. Proud din po ako sa anak ko kasi nagtagumpay siya…Pero para sa akin, simula pa lang po kami,” ani Ben sa interview ng PEP.ph noong November 22, 2022.

Ano ang reaksiyon ni Bince sa kanyang karangalan?

“Balewala lang sa kanya yung ganitong nagtagumpay. Parang wala lang. Normal lang siya [gaya ng isang] bata,” sabi ng ama.

Sinundot namin ng tanong kung ano ang ginawa nila sa napanalunan ni Bince.

“Sa mga hindi po nakakaalam, akala nga nila milyonaryo na daw po ako,” natatawang hayag ni Ben.

“Sa totoo lang po, wala po talagang kalakip na prize o perang napanalunan. Wala po.

“Gold medal lang po nakuha namin, isang silver, dalawang bronze, isang trophy, saka mga certificate lang po.

“Yun lang po. Wala po siyang kasabay na pera. Karangalan lang po talaga yung inuwi namin.”

HIRAP SA PAGKUHA NG SPONSOR

Aminado rin si Ben na pahirapan silang makakuha ng sponsor para maipadala sa Bangkok si Bince.

Sa kanyang interviews, sinabi ni Ben na kinapalan na lang niya ang kanyang mukha sa pag-solicit ng tulong pinansiyal sa mga government officials sa kanilang lugar.

“Talagang mahirap,” ani Ben. “Yung mga national tournament, medyo nakakaraos naman kami sa tournament kasi, tinutulungan naman kami ng mga government officials.”

Pero mas naging hamon ang international tournament dahil mas malaking halaga ang kailangan.

“Talagang malaking halaga na po ang kailangan. Siyempre, nahihirapan po kami. Mahirap lang po kami.

CONTINUE READING BELOW ↓

NOOD KA MUNA!

“Nilapitan ko po lahat: si [Albay] Governor [Noel] Rosal, Vice Governor [Edcel] Lagman, Congressman [Fernando] Cabredo, Mayor [Domingo] Escoto, si Vice Mayor [Hector] Loyola.”

bince operiano ben operiano

Tumulong din daw ang Agri Partylist at kanilang mga kaibigan sa pamamagitan ng pagpapadala ng pera via GCash.

“Marami naman po ang tumulong. Pakonti-konti man po, pag naiipon po malaking halaga na rin po,” sabi ni Ben.

NATULOG SA AIRPORT

Nilinaw rin ni Ben ang kuwento tungkol sa pagtulog nilang mag-ama sa airport.

Sa tulong daw ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP), napa-register sa Bangkok tournament si Bince.

“Nakipagsapalaran kami sa Manila. Natulog kami ng tatlong gabi sa airport—dalawang gabi si Bince, tatlong gabi naman ako.

“Sinagot naman ng PSC [Philippine Sports Commission] yung plane ticket ni Bince. Balikan naman po iyon.

“Natulog si Bince ng dalawang gabi sa airport kasi nakipagsapalaran kami.”

Nauna na sa Bangkok si Bince dahil nga sinagot ng PSC ang kanyang roundtrip ticket.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa ulat, hinintay naman ni Ben ang financial assistance mula sa kanilang local government officials para makabili ng ticket.

Ang roundtrip ticket ni Ben ay nabili niya ng tinatayang PHP23,000.

Inusisa ng PEP.ph si Ben kung bakit sa airport sila natulog? Wala ba silang matutuluyan sa Maynila?

Sagot ni Ben, “Talagang kukulangin kami sa budget kasi kung kapatid ko naman sa Molino, Bacoor, malayo pa yung uuwian ko.

“Kaya nag-stay na lang kami sa airport kasi nga yung biyahe, yung trapik…

“Doon [airport] po kami nag-stay. Nakipagsapalaran lang kasi yung anak ko. Desidido rin ako na makapaglaro siya doon.

“Yun naman po ang pinaghandaan namin ng training. Sayang kung di po kami makakasali sa tournament sa Bangkok, Thailand.”

bince operiano ben operiano

DUMAGSA ANG TULONG PARA KAY BINCE

Matapos manalo ni Bince, iba’t ibang tulong ang ipinaabot sa kanya.

“Opo. Sa ngayon po may nagpapaabot po ng tulong sa kanya…” pagkumpirma ni Ben.

May local government service program, local politicians, at party lists na nagbigay ng groceries, cash, at nagpahiram ng vehicle service.

“May mga nag-GCash, may nagpadala ng damit, sapatos, at kahit papaano po may mga tumutulong na rin po kay Bince,” ani Ben.

“Sa incentive na nanggaling sa national [government], wala pa po kaming natatanggap sa ngayon po. Hintay-hintay po kami kong mabibigyan po kami o hindi,” ani Ben.

Ano ang susunod na sasalihan ni Bince?

“Wala pa po kaming nakalatag na tournament kasi hindi ko rin po alam.

“Kasi ang NCFP naman po ang nagde-decide kung saan maglalaro. Naghihintay lang po kami ng advice nila.”

KAILANGAN NG TULONG PARA SA PAG-EENSAYO

Habang naghihintay pa ng abiso si Ben kung ano ang susunod na laban ng anak, sinabi niyang kailangan ipagpatuloy ang ensayo ni Bince.

Ibig sabihin, kailangan pa rin nila ng tulong, gaya ng pinansiyal.

“Yun talaga ang pinakakailangan, yung pinansiyal.

“Yung problema lang namin ngayon sa coach, paano kami makakabawi sa coach.

“Siyempre may bayad din po. Dati kasi libre yung nagti-train kay Bince. Ngayon kailangan naming magbigay kahit papaano.”

Kailangan din daw ng mga bagong gamit ni Bince gaya ng chess mat, chess clock, at lamesa para makagawa ng chess center sa kanilang bahay.

bince operiano

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Isang linggo raw munang nagpahinga si Bince para makapaglaro, at sa susunod na linggo ay balik-eskwela na ito.

Itutuloy na rin daw ang rigid training sa chess para handa siya kung sakaling may susunod na laban.

PANAWAGAN AT PAYO

May panawagan naman si Ben pagdating sa mga nakaupong opisyal.

“Sa mga nasa katungkulan naman po sa national [government], sana tulungan naman po nila ang mga bata na may talent.

“Huwag na po haluan ng pulitika para maka-discover po tayo ng mga atletang pansabak sa buong mundo, para makapag-uwi po ng karangalan.

“Sana po tulungan nila ang mga atletang Pilipino na mahihirap.”

Sa mga magulang naman na may mga anak na nakikitaan nila ng talento sa anumang sports, narito ang payo ni Ben.

“Huwag po silang magdadalawang-isip na suportahan. Lagi lang po silang manalig kasi lagi naman nandiyan ang Diyos, di naman po Niya tayo pababayaan.

“Lakasan nila ang kanilang loob. Wag silang mawalan ng pag-asa.”

Dapat din daw silang maging magandang ehemplo para sa kanilang mga anak.

Sa isang interview, sinabi ni Ben na kinalimutan niya ang kanyang mga bisyo para matutukan ang pagti-train kay Bince.

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Exposing the lie – Is a new worldwide lockdown planned to combat the alleged ‘Delta Variant’? Well a new lockdown is planned for sure through whichever excuse they concoct. Our job is not to comply with it
Next post The Green Energy Fraud