Billy Crawford recalls battle with alcoholism: “I was going to Showtime drunk.”

Muling sinariwa ni Billy Crawford ang mga kinasangkutang kontrobersiya na nagpabago sa kanyang buhay at karera.

Sa vlog ni Karen Davila na inilabas noong Sabado, July 16, 2022, inusisa ng TV Patrol anchor ang host ng Lunch Out Loud (LOL) kung paano binago ng Diyos ang pagiging malapit nila ng asawang si Coleen Garcia.

Sagot ni Billy, malaking bagay talaga iyon dahil natalikuran niya ang kanyang pagiging alcoholic.

May mga panahon pa nga raw na pumapasok siya sa studio ng It’s Showtime—noong hindi pa siya umaalis para maging main host ng LOL—na nakainom.

Balik-tanaw ng singer-TV host, “Completely. It was a complete 180-turn. I was addicted to alcohol, you know. My alcoholism was something else.

“I was going to Showtime drunk. Sometimes, pag after ASAP, diretso bahay, inom.

“It was a good time. To be honest with you, it was a great time.”

May mga punto raw sa buhay ni Billy na sumagi sa isipan niya kung tama pa ba ang kanyang ginagawa.

Continue reading below ↓

Saad niya, “Pero, it was starting to affect me as a person. It was starting to affect my judgement.

“It was starting to affect my work. It was starting to affect kung sino talaga ako.”

Bukod sa Diyos, isa rin daw si Coleen sa naging instrumento sa kanyang pagbabago.

Ani Billy, “I guess the difference between Coleen kasi was she was never forceful. Parang ang reverse psychology ng ginawa nito. Parang binaliktad na lang, ‘You do whatever you want,’ parang ganun.

“Parang ako na yung, ‘I’m too tired. Ayaw ko nang uminom.’

“I hate the feeling, hangover feeling after — the headaches, the restlessness, the fatigue, etc., etc. Nakakaapekto sa trabaho.”

“I SURRENDER”

Kasunod na inalala ni Billy ang pagkaaresto niya noon dahil sa kalasingan.

Madaling-araw ng September 7, 2014 nang maaresto si Billy ng Taguig police.

Galing noon si Billy sa Star Magic Ball na ginanap sa Shangri-La Makati noong gabi ng September 6.

Continue reading below ↓

Bigla na lamang siyang dumating sa Police Community Precinct 7, sa Fort Bonifacio, Global City, Taguig City na sumisigaw at gustong magpakulong.

Read: (UPDATED) Billy Crawford detained for malicious mischief at Taguig police precinct; clarifies he did not hurt anyone

Saad niya, “When you’re interviewing someone, you’re not really up there, di ba?

“So I said, that’s the first step, when I got arrested, when I went through the whole shebang here in the Philippines and other places in the world, etc.”

Magkasintahan pa lamang sila noon ni Coleen at magkasama sa It’s Showtime.

Ang pag-iisang dibdib daw nila ay blessing in disguise at natalikuran na niya ang kanyang mga bisyo.

Saad ni Billy, “When we tied the knot, kasi muntik naman talaga hindi matuloy yung wedding namin because we’re going through a lot that time.

“Nung natuloy, I think that’s when God made a big visual premonition for me.

Continue reading below ↓

“Because, like I saw a happy family, I saw my dad and my mom get here which I prayed so hard for. And then that’s when I said, ‘Okay, I surrender.’

“Ako, wala na ako magagawa. It’s like you can’t force what God is doing upon us.

“We just have to accept it and we have to acknowledge that his presence is there and we have that faith that we call.”

Ikinasal sina Billy at Coleen noong April 20, 2018.

Read: Coleen Garcia and Billy Crawford finally tie the knot

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Previous post Fascist Cult-Owned Blair Aide New Zealand PM Calls For Censorship & Gun Control During Harvard Address
Next post We Treat You Like a Moron: News Update!