Billy Crawford mulls possibility of staying in France: “We love it here.”

Hindi isinasara ng mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia ang posibilidad na manatili sa France matapos ang tagumpay ng singer-TV host sa dance competition show na Danse avec les stars.

Si Billy ang itinanghal na grand champion sa 12th season ngFrench edition ng Dancing With The Stars ilang linggo na ang nakalilipas.

Partida pa ito dahil sa mismong araw ng grand finals, may natamong injury si Billy sa rehearsals. Kinabukasan, natuklasang nagkaroon siya ng nine-centimeter tear sa kanyang groin.

Sa kabila nito, masaya si Billy sa itinatakbo ng kanyang karera sa France, kung saan kapiling niya ngayon ang asawang si Coleen at ang two-year-old son nilang si Amari.

“My life is obviously driven by work, et cetera. But my heart really is at home.

“My home is where my family is.

“So, kung nandoon si Amari, nandoon si Coleen, whatever I do reflects on the family as well.

“So, buhay ko sila,” pahayag ni Billy sa November 24, 2022 vlog ni Dra. Vicki Belo.

Hindi rin foreign ang France kay Billy dahil nagkaroon na siya ng singing career dito noong early 2000.

Inusisa ni Dra. Vicki si Billy kung balak niyang tumira sa France nang mas matagal.

Tugon niya, “I don’t really know. I can’t really tell. I’m really just trying not to do the same mistake that I did before…

“Like cramming everything and worrying about how long will I stay here for what job do I have…

“I’m really just concentrating in Dancing With The Stars and then maybe a single coming out while I’m doing this. Sayang lang din.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sumingit si Coleen at ibinahagi ang napag-usapan nilang mag-asawa ukol dito.

Saad ng aktres, “We talked about this. We will always go where God takes us, so where the opportunities are at that specific moment [that’s where we will be].

“Especially now, it’s easy naman to go back and forth. And our work nowadays, it’s seasonal, di ba?

“It’s not like before when we were in Showtime na talagang every day, it’s a commitment, we have to be there.”

Sundot ni Billy, “But I still have Lunch Out Loud.

Ang Lunch Out Loud o Tropang LOL ang naiwanang variety program ni Billy sa TV5.

Patuloy ni Coleen, “You do tape it sometimes, so naiipon naman.”

Ginawa pang ehemplo ni Coleen ang game show na hinu-host ni Billy sa GMA-7, ang The Wall Philippines.

“Like, right now, while we’re still here, he’s still coming out on GMA for The Wall [while] he’s still able to work here [France] naman,” banggit ng misis ni Billy.

LIVING IN FRANCE

Mabilis din ang naging sagot ni Billy nang matanong kung nakapag-adjust na sila sa buhay sa France.

“We love it here to be honest with you,” sabi ng singer/dancer/host.

“Amari loves it here for some reason. He really likes the cold weather, he really likes the parks, where we can just walk in his stroller.”

Pagpapatuloy ni Billy, masaya siya sa kinaroroonan niya ngayon at sa estado ng kanyang karera.

“I’m so happy my wife’s here, my son’s here, the rest of my family is here.

CONTINUE READING BELOW ↓

NOOD KA MUNA!

“Plus, I’m doing what God has blessed me to do, the talent that He’s given me.

“Hopefully it will be a testimony, one of these days, I can say na my life has been colorful, but He’s always been there to shine brighter than any other color in life.”

Samantala, iniulat ng PEP Troika noong November 19, 2022 na babalik sa Pilipinas si Billy para mag-taping muli ng Tropang LOL sa unang linggo ng Disyembre.

Posible rin daw may gawing bagong show si Billy sa GMA Network.

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post German Doctors and Lawyers Assess Blood Smears from People Who Have Had ‘Covid’ Injections: ‘For me this is euthanasia. For me this is mass murder, a crime on a grand scale’
Next post State Considers Partnering with Dept of Transportation on Bill to Install Video Surveillance at School Crosswalks