Bianca Umali reveals Ruru Madrid cried when she surprised him in South Korea

Ibinuking ni Bianca Umali, 22, na napaiyak ang boyfriend niyang si Ruru Madrid, 24, nang sorpresang binisita niya ang aktor sa South Korea.

Limampung araw nanatili sa South Korea si Ruru kasama ang cast ng Running Man PH, ang upcoming Kapuso adaptation ng sikat na variety show ng SBS network sa South Korea.

Ito ang dahilan kung bakit solo flight si Bianca nang dumalo sa GMA Thanksgiving Gala Night noong July 30, 2022.

Hanggang sa lumipad nga si Bianca sa South Korea para makapiling si Ruru.

Miyerkules ng gabi, August 17, 2022, ipinost ni Bianca sa Instagram ang video nang puntahan niya ang lugar kunsaan nasaan si Ruru kasama ang ilang staff ng Running Man PH.

Nagtago muna si Bianca sa likod ng pader ng isang gusali, bago palihim na naglakad papunta sa kinalulugaran ni Ruru.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Nakatalikod si Ruru kaya ganoon na lang ang gulat ng binata nang makita si Bianca. Waring natulala pa si Ruru at di makapaniwalang nasa harap niya ang dalaga.

Ruru Madrid, Bianca Umali

Maya-maya pa ay mahigpit na niyakap ni Ruru si Bianca na parehong miss na miss ang isa’t isa.

Tila naiyak pa si Ruru sa sobrang saya na makita ang longtime girlfriend.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Baliw ka! Bakit?!” bulalas ni Ruru.

Natawa si Ruru nang makita na kasama ni Bianca ang kaibigan nito na siyang kumuha ng video nila.

Ruru Madrid, Bianca Umali

Sabi sa caption ni Bianca: “Saved the best bit for last [heart emoji] YES – HE CRIED.”

Nagpasalamat din si Bianca sa GMA production people na nakakita sa kanyang naghihintay kay Ruru.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Nakuntsaba raw niya ang mga ito na umarte na “papagalitan at kailangan kausapin” si Ruru para pumunta ito sa baba ng building kung saan naroon si Bianca.

Sabi naman ni Ruru sa comments section, “I wasn’t crying… there was just something in my eye [crying and heart emojis]

“p.s u know how much u mean to me…”

Ruru Madrid, Bianca Umali

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

RURU AND BIANCA DATING HISTORY

August 2018 pa lang nang mapansin ng fans nina Ruru at Bianca na malapit sila sa isa’t isa, at hinihinalang may relasyon na.

Hanggang sa kasalukuyan ay walang direktang kumpirmasyon mula sa dalawang Kapuso stars.

Pero mas bukas na sila ngayon sa paghayag ng nararamdaman nila para sa isa’t isa.

Noong August 7, 2022 nag-post si Bianca ng litrato nila ni Ruru na magka-hands, at makikitang tila may couple tattoo sila na smiley.

Ruru Madrid, Bianca Umali

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Noong August 14, 2022 ay ibinahagi rin ni Bianca ang kuha nila ni Ruru na namamasyal sa South Korea.

Ruru Madrid, Bianca Umali

Bukod sa Running Man PH, si Ruru ay bida sa ongoing Kapuso prime-time series na Lolong.

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Previous post War crimes advocate advises Israeli spy firm
Next post Quadruple Fake-Vaxxed German Health Minister Tests Positive For ‘Covid’ With A Test Not Testing For It