Bianca Lapus details heart-to-heart talk with ex-husband Vhong Navarro

Marami ang natuwa nang lumabas sa social media ang mga larawan ni Bianca Lapus at ex-husband na si Vhong Navarro na magkasama sa college graduation ng anak nilang si Isaiah “Yce” Navarro.

Nagtapos si Ice ng Bachelor of Arts in Communication sa University of Sto. Tomas noong June 10, 2022.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ibinahagi ni Bianca kung paano sila ng ex-couple sa pagkikita nilang iyon.

“Kasi yung tiket doon pang-dalawang tao lang. Walang ibang puwedeng kasama yung anak ko kundi dalawa. E, di siyempre kaming dalawa yun.

“So, nag-usap kami na magkita kami at nagkita kami doon.

“Hindi namin akalain na lampas apat na oras kami doon. Nakaupo kami doon gaya ng ibang parents na nandoon,” bungad ni Bianca.

Iyon ang unang pagkakataong nakitang magkasama ang ex-couple sa publiko.

Dire-diretsong lahad ni Bianca, “Nagkakasama na kami before ni Vhong kasama yung mga family namin, like pag may birthday. Pero eto, kami lang dalawa.

Continue reading below ↓

“So, actually, okay na rin kasi nakapag-bonding din kaming dalawa. Nakapag-usap sa mga bagay-bagay.

“Sobrang tagal na nung last time na nagkaroon kami ng chance makapag-bond ni Vhong.

“Pero yung super na nag-usap kami one-on-one, yun lang talaga sa graduation ni Ice since nag-separate kami.

“Kasi more on text lang kami and phone calls. Tulad nung bago siya ikasal, o kaya kapag meron kaming kailangang ayusin for Yce, ganyan.

“Pero yung sa graduation, dahil wala kaming choice… Hehehe! Nagkuwentuhan talaga kami about life.”

Taong 1998 nang magpakasal sina Bianca at Vhong, at na-annul ang kanilang kasal noong 2008.

Nagpakasal si Vhong sa longtime girlfriend na si Tanya Bautista noong 2019, habang si Bianca ay matagal na rin ang relasyon sa partner niyang si Jimmy Lawrence Velasquez.

Dahil parehong masaya sa kani-kanilang buhay, madali kina Bianca at Vhong ang mag-heart-to-heart talk sa graduation day ng anak.

Patuloy na kuwento ni Bianca sa PEP.ph, “Tinanong niya ako bakit hindi pa ako nagpapakasal, yung mga ganoong bagay.

“‘Tapos, nag-reminisce kami ng mga dati. Para talaga kaming mag-barkada na biglang… alam mo yun? Parang long-lost friends na nagtsikahan.

Continue reading below ↓

“Sobrang happy ako na humantong na kami sa ganitong punto na kaya naming mag-usap ng mga bagay-bagay na walang echos talaga.”

Hindi raw iyong tipo na nag-usap sila para sa kailangan ng anak.

“Parang heart-to-heart na nagkuwe-kuwentuhan kami na magkaibigan kami, na yung mga bagay na hindi namin kayang pag-usapan dati, for the first time, napag-usapan na namin.”

Doon ay kaswal na napag-usapan din nina Bianca at Vhong ang tungkol sa kasal nila na napawalang-bisa ng korte.

“Oo, ‘tsaka inamin ko talaga sa kanya na, ‘Na-trauma ako sa annulment, bakla!’ ganyan. Hahaha! Nagbiburan talaga kami.

“‘Tsaka kasi naka-mask ako, may mga nagbibiro ng ano… Madalas ako mabiro na Angel [Locsin]. ‘Hindi po. Bianca po.'”

Kuwela ang pagtanggi ni Bianca na sasabihin daw na “Hindi po, Bianca po,” sa tono ng boses at manner ng pananalita ni Angel.

Sabi naman daw ni Vhong, “Parang niloloko niya ako, ‘Eyyyyy….. Gustung-gusto!’ Ganoon na kami. As in, nagbibiruan na kami.”

Continue reading below ↓

bianca ON ANNULMENT WITH VHONG

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph si Bianca sa launching ng Top Shelf, ang lifestyle magazine na pag-aari ni Bianca at business partners niya sa Velvet Media Inc.

Ginanap iyon sa Velvet Studio sa Parañaque City noong June 11, 2022.

Dito ay nagbalik-tanaw pa si Bianca kung gaano kahirap ang pinagdaanan nila ni Vhong para mapawalang-bisa ang kanilang kasal noong 2008.

“Mahirap, ilang taon yun!” bulalas ni Bianca.

“Nakarating kami ng Court of Appeals. Hahaha! Dahil binasura yung una naming appeal,” dagdag niya.

Si Vhong ang nag-file sa korte ng annulment case nila ni Bianca.

Balik-tanaw ni Bianca, “Siya ang nag-file ng annulment. In-love na in-love siya sa girlfriend niya noon. Hindi naman niya nakatuluyan. Hahaha!

“But actually, nung lumabas na result sa court, nag-iyakan pa kami. ‘My God. Totoo na. Annulled na tayo,’ sabi namin.”

Inamin ni Bianca na hanggang ngayon ay gamit pa niya ang Navarro sa iba niyang I.D.

Actually, ngayon, after so many years, inaayos ko pa rin ang aking mga IDs. Dahil lahat ng ID ko ay Navarro. So, hindi ko pa naayaos lahat.

Continue reading below ↓

“Passport ko Lapus na. Pero lahat—lisensya, lahat—puro Navarro pa.”

Paliwanag pa ni Bianca, “‘Tapos, nag-pandemic pa, as in, napakahirap mag-ano ng mga ID. Kaya nakakatawa nung sinubmit namin yung vax card namin saka ID, Navarro pa rin ako.

“Nakita ni Vhong at sinabi ko na rin sa kanya, ‘Ang hirap kasing mag-ayos. Pero inaayos ko na,’ ganyan.”

BIANCA STILL NOT READY TO GET MARRIED?

Unlike Vhong, hindi pa nagpapakasal si Bianca kay Jimmy.

“Iba kasi kapag sa babae. Ewan ko, kasi magse-17 years na kami ni Jimmy with three kids pa,” ani Bianca.

Napag-usapan nga rin daw nila iyon ni Vhong.

“Sabi niya, ‘Ayaw mo pa bang magpakasal? Or wala ka bang plano?’ ganyan-ganyan.

“Sabi ko, ‘Alam mo kasi, iba sa babae yung feeling, I mean, emotionally. Na-trauma talaga ako. Parang natatakot ako parati kapag naiisip ko siya.’

“Sabi ko pang ganoon, ‘Pero siyempre, pangarap naming ikasal [ni Jimmy]. Hindi naman ako nakapagsuot ng white gown nung tayo.'”

Continue reading below ↓

Tukoy naman ni Bianca sa kasal nila noon ni Vhong, “Civil lang kasi kami noon. Patago pa, oo. Sa sulok ng Pampanga, doon kami kinasal na dalawa.”

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Previous post What Is The “Council For Inclusive Capitalism?” It’s The New World Order
Next post China Issues Location, Temperature-Monitoring Bracelets to Beijing Residents Returning from Other Cities