Bianca Gonzalez, Toni Gonzaga, G Tongi react to President Ferdinand Marcos Jr.’s first SONA

Umabot sa isang oras at labinlimang minuto ang kabuuang talumpati ni President Ferdinand Marcos, Jr. sa kanyang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ngayong Lunes, July 25, 2022.

Ang SONA ay mandato sa mga Pangulo ng Pilipinas tuwing ikaapat na Lunes ng Hulyo bawat taon.

Dito ay iuulat ng Pangulo ang kanyang plano sa bansa sa susunod na taon o buong termino niya.

Samu’t saring reaksiyon ang ibinahagi ng ilang celebrities tungkol sa unang SONA ni Pangulong Marcos Jr.

Isa na rito ang TV host na si Bianca Gonzalez, na kilala bilang masugid na tagasuporta sa katunggali ni Marcos Jr. noong nakaraang halalan na si former Vice President Leni Robredo.

Pinuri ni Bianca ang kabuuan ng SONA ng Pangulo.

Sabi ng Pinoy Big Brother host, “That was a good SONA for PBBM. Here’s hoping this admin delivers on the promises, para sa Bayan [praying hands, Philippine flag emojis]”

Continue reading below ↓

Ayon pa kay Bianca, kahit iba ang kanyang ibinoto at sinuportahan, umaasa siyang magtagumpay ang kasalukuyang administrasyon dahil ang tagumpay nito ay tagumpay rin ng bayan.

Ngunit naniniwala rin si Bianca na dapat pa ring panagutan ng pamilya Marcos ang mga ninakaw nito mula sa kaban ng bayan noong namumuno pa ang ama ni Marcos Jr. na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Saad niya, “I may have voted for Leni Robredo and I still believe the Marcos family needs to be accountable for the stolen wealth and the ML human rights abuses, but BBM is our duly elected President and I felt his SONA was good. Kung successful ang admin, success din ng Bayan.”

Continue reading below ↓

Sinabi rin ni Bianca na nang matalo si former VP Robredo ay ayaw na sana niyang makialam sa pulitika ngunit kailangan daw kumilos dahil lahat tayo ay may pananagutan sa ating bayan.

Aniya, “Like many others, when Ma’am Leni lost the elections, I wanted to ‘not care about politics anymore.’ Pero hindi nagtagal yun dahil lahat tayo, may pakialam sa bansa. Mabuti nang mapagmatiyag sa administrasyon, para mabantayan ang mga pangako sa Bayan. Tuloy ang People’s Movement.”

Continue reading below ↓

TONI GONZAGA

Umaasa naman ang TV host-actress at BBM supporter na si Toni Gonzaga sa tagumpay ng Marcos administration.

Post niya sa Instagram: “We look forward to your good governance PBBM! God bless you and our country.”

Stars react to PBBM's SONA

Si Toni ay naging host sa mga kampanya ni BBM noong nakaraang eleksyon.

Continue reading below ↓

Ang mister ni Toni na si Paul Soriano ang direktor ng SONA ngayong taon.

G TONGI

Samantala, pinuna naman ng aktres na si G Tongi ang mga mararangyang kasuotan ng mga mambabatas at mga dumalo sa SONA.

Sana raw ay magingsensitibo ang bayan dahil may pandemya pa rin ngayon.

Mensahe ni G, “Please PH! It’s called delicadeza. Today is not about a fashion show ok? Today is about thinking critically about issues that have never been addressed that are owed to the Filipino people. A president of any nation has to serve the people and not their self interest.#sona2022”

Continue reading below ↓

Read:14 standout Filipiniana dresses at SONA 2022 red carpet

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Previous post Israeli Holocaust Survivor Vera Sharav and Dr. Reiner Fuellmich Talk ‘Global Genocide’
Next post VIMANA: The Ancient Indian Aerospace Craft