
Belle Mariano reveals what she feels about Donny Pangilinan
Kung ang pagbabasehan ay ang sweetness at closeness nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, marami ang naghihinalang may relasyon na ang dalawa at ayaw pa lang nilang aminin sa publiko.
Kilala sa uniname na DonBelle, sina Donny at Belle ay kinakikiligan ng fans lalo na sa sweet off-cam moments nila.
Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), inalam namin kung ano ang tunay na estado ng relasyon ng dalawa.
Sagot ni Belle, “Basta kayo na ang mag-isip nang kung ano ang gusto ninyong isipin.
“I am very happy that he is part of my life, of course. I’m very grateful for it. He’s so special to me.”
Papuri rin ng young actress, maraming magagandang mga katangian si Donny kaya madali itong naging espesyal para sa kanya.
“He’s a man of integrity, that’s one aspect that I like that he holds. He’s a gentleman, someone very passionate.
“There’s a lot of good things I can name and I don’t think this video is enough to name them all.”
Ayon pa kay Belle, maganda ang relasyon ni Donnie sa pamilya niya, at gayundin siya sa pamilya nito.
“Very okay naman, they met Donnie and they are okay with Donnie.
“His parents? Yes, they are very nice, and siblings din ni Donnie, they are very nice.”
Nakapanayam ng PEP.ph si Belle sa Awit Awards, na ginanap sa Newport Performing Arts Theater ng Newport World Resorts nung November 23, 2022.
MORE STORIES ABOUT DONBELLE
AN INCONVENIENT LOVE
Mainit ang naging pagtanggap ng publiko sa An Incovenient Love nina Donnie at Belle. Ito ang kauna-unahang pelikula ng Star Cinema na ipinalabas sa mga sinehan para sa 30th anniversary na rin ng film company arm ng Kapamilya Network.
Aminado ang Kapamilya young actress na nakaramdam siya ng “pressure,” pero mas nagpokus siya sa enjoyment sa paggawa ng pelikulang ito.
Ito ang unang pelikulang iprinodyus ng Star Cinema at ipinalabas sa theaters simula nang magpandemya.
Ani Belle sa DonBelle fans na nanood ng An Inconvenient Love, “I saw them and sobrang natutuwa ako na nae-enjoy ng mga tao yung movie namin. I hope other moviegoers will show more support, obviously coz ang dami talagang matututunan sa movie na ito.
“It revolves not just on love. The movie is also very timely.”
Maraming tambalan na rin sa ABS-CBN ang binuwag, at ipinartner sa iba ang isang magkapareha. Ilan dito ay ang KimeRald (Kim Chiu at Gerald Anderson), MayWard (Maymay Entrata at Edward Barber), at SethDrea (Seth Fedelin at Andrea Brillantes).
Bukas ba si Belle sa posibilidad na ipareha sila sa iba ni Donnie?
“I’m all for his growth, and we both talked about this,” sagot niya.
“As long as the other person isn’t hindering the other to grow, I’m fine. We’re all for each other’s growth and we’re both supportive with each other.”
Pero tila tuluy-tuloy pa rin ang love team ng dalawa sa ngayon.
Diin ni Belle, “I said this before in an interview that, at this moment, I don’t see myself being paired with anyone else.”
NOOD KA MUNA!
Si Belle ang itinanghal na Breakthrough Artist, at Favorite Song naman ang single niyang “Sigurado” sa katatapos na 2022 Awit Awards presented by PARI and curated by Myx.
News Philippines today at https://philtoday.info/