Bea Alonzo’s manager Shirley Kuan breaks silence on Lolit Solis “unprovoked attacks” against Bea

“Bully” kung ituring ni Shirley Kuan ang kapwa talent manager na si Lolit Solis matapos ng walang tigil na pag-atake ni Lolit sa alaga ni Shirley na si Bea Alonzo.

Sina Shirley at Lolit ay kapwa beterana sa larangan ng pagma-manage ng mga artista dito sa Pilipinas. Kung si Shirley ay mahigit 30 taon na sa industriya, si Lolit naman ay nagsimula bilang showbiz reporter at talent manager noon pang dekada ’70.

Pareho ring bigatin ang mga artistang mina-manage nila.

Si Bea ang pinakabagong alaga ni Shirley.

Ilan pa sa mga hinahawakan niyang artista—bilang celebrity endorsers o bilang mga aktor sa TV o sa pelikula—ay sina Coco Martin, Albert Martinez, Carmina Villarroel, Helen Gamboa, Agot Isidro, Donna Cruz, at ang yumaong si Susan Roces. Minsa’y naging manager din siya nina Maricel Soriano, KC Concepcion, at Georgina Wilson.

Si Lolit naman ang nangangalaga sa career—full management o co-managed—ng established stars na sina Christopher de Leon, Lorna Tolentino, Senator Bong Revilla, Lani Mercado, Tonton Gutierrez, Glydel Mercado, Amy Austria, Gladys Reyes, Alfred Vargas, at Paolo Contis. Naging manager din siya noon nina Gabby Concepcion, Nanette Medved, Mark Herras, at ng yumaong si Rudy Fernandez.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa pagiging talent manager, nakilala rin si Lolit bilang talk-show host sa telebisyon at entertainment columnist sa tabloids. Dahil mapangahas, vocal, at malaro ang utak ni Lolit, naging kaakibat ng pangalan nito ang kontrobersiya.

Samantala, si Shirley ay matagal nang gumagalaw sa mundo ng advertising. Dito ay nagsasara siya ng major endorsement deals para sa celebrity clients. Dahil sa maraming taon sa U.S. na ginugol niya sa kanyang professional life, sanay si Shirley sa corporate world. Kaya pagbalik dito, sa matagal na panahon ay isa siya sa go-to persons ng kinabibilangan niyang PAMI kapag official statements at legal issues ang kinakaharap.

Sa PAMI o Professional Artists Management Inc.—lupon ng local talent managers, na ang president ay si June Torrejon ng VIVA Communications Inc.—magkasama sina Lolit at Shirley nang mayroon nang halos dalawampu’t walong (28) taon. Pareho silang founding members at pareho rin silang current members ng PAMI.

Hindi man hayagan, masasabing nagkalamat ang ugnayan nina Shirley at Lolit noong 2021. Ito ang panahong napabalitang lilipat si Bea Alonzo mula ABS-CBN papuntang GMA-7.

Sa panahong ito, hindi tinantanan ni Lolit sa kanyang Instagram account at maging sa iba niyang platforms ang pag-atake sa tatlumpu’t apat (34) na anyos na aktres.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Lalo pa itong lumala noong March 25, 2022 nang hindi imbitahin si Lolit—at dalawang malalapit sa kanyang showbiz writers na sina Salve Asis at Gorgy Rula—sa presscon ng contract renewal ni Bea bilang endorser ng isang beauty brand.

Ganunpaman, sa loob ng mahigit isang taon ay nanatiling tahimik ang kampo ni Bea. Bagamat lumilitaw na ang galit ng Bea fans sa mga patutsada sa kanilang idolo, hindi naringgang magsalita ang kampo ni Bea.

Ngunit tila napuno na ang salop dahil ngayon ay nagsalita na ang manager ni Bea na si Shirley Kuan.

Pinili niyang ibigay ang exclusive interview sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), sa isang restawran sa Quezon City, noong Lunes ng tanghali, October 10, 2022.

[Ed’s Note: Ang mga nag-interbyu ay sina Erwin Santiago, Associate Editor ng PEP; Rachelle Siazon, News Editor ng PEP; at PEP Associate Editor Rommel Llanes.]

UNPROVOKED ATTACKS

Isang malaking palaisipan daw para kay Shirley Kuan ang pinanggagalingan ng mga atake ni Lolit Solis kay Bea Alonzo.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Makikita sa Instagram account ni Lolit na halos araw-arawin nga nito ang pagbira kay Bea, at karamihan ay mga personal na banat na.

Nagtatakang sabi ni Shirley tungkol dito: “Kahit kami, hindi namin alam. Kasi, this happened, all this barrage of vile and toxic attacks is totally unprovoked from our end…

“I can believe Bea when she said na they’ve never spoken, never silang nag-usap, they’ve never met, never silang nagkita, and never din sila na-introduce. So, there’s really no relationship. Parang… wala talaga. So, I can believe that.”

Patukoy kay Lolit, na kilalang mas malapit sa GMA-7 kesa sa ABS-CBN, dagdag ni Shirley: “And more so if you’re not from ABS-CBN, di ba? More so if you’re not invited to… hardly or never, I don’t know, to any ABS-CBN functions or presscons…

“So, it’s totally unprovoked.

“People ask us what happened—we don’t know, we really don’t know. So, how could you even offend someone you’ve never even met or spoken to?”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pahayag ni Shirley na hindi pa nagkikita at nagkakausap sina Bea at Lolit ay sinang-ayunan ni Lolit sa isa nitong IG post noong June 24, 2022.

Bahagi ng pahayag ni Lolit: “Tawang-tawa naman ako sa mga nagtatanong kung bakit daw may gap kami ni Bea Alonzo, Salve. Wala kami away dahil never ko pa siyang nakita in person. Hindi kami magkakilala, kaya dapat wala kami maging isyu…”

lolit solis post

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Reaksiyon dito ni Shirley: “Oh, sinabi pala niya… E, ayan na, siya na mismo ang umamin. That’s really the truth. Unprovoked.”

[Ed’s Note: Ang Salve na tinutukoy dito ay si Salve Asis, entertainment editor ng Pilipino Star Ngayon. Malapit si Salve kay Lolit, at matagal nang usap-usapan sa sirkulo ng entertainment reporters na si Salve mismo ang gumagawa ng ilang IG posts ni Lolit.]

BEA’S REACTION

Inalam ng PEP.ph kay Shirley—na kilala rin sa showbiz sa kanyang initials na SK—ang reaksiyon ni Bea nang malaman nito ang mga birada sa kanya ni Lolit.

Tugon ng talent manager: “She was surprised. ‘Why?’

“So I had to ask her, ‘Have you met her? Have you any kind of interaction with her?’

“She doesn’t know, or maybe if she did, she wouldn’t remember, so it was insignificant…

“Because she was with Star Magic and ABS, whenever they have [a] presscon, this person [Lolit] is never invited. I don’t know that for a fact… but at least in Bea’s case, she said she’s never met her.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag ni Shirley: “So, sanay na dapat siya [Lolit]. Di siya invited pag may presscon si Bea, di ba? So, anong issue? So, what is that?

“It’s really a mystery for us that we don’t even care to solve. We just want people to know that it’s totally unprovoked. That’s all.

“And I wanna shine a light actually on Bea this time on how she really handled it really well.”

[Ed’s Note: Posibleng “insignificant” nga ang pagtatagpo nina Bea at Lolit dahil pareho nilang nakalimutan na minsan na silang nagkasama sa isang event.

Isang showbiz insider ang nagparating sa PEP.ph na nagkita at nagbeso pa nga ang dalawa sa blessing ng farm ng alaga ni Lolit, si Lorna Tolentino, ang Vera Grace Farm, sa General Emilio Aguinaldo, Cavite, noong 2012.

Ayon sa showbiz insider, na naroon din sa event, lumapit si Bea kay Lolit para bumati at bumeso. Ngunit maliban daw dun, wala nang naging interaction ang dalawa.]

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

NOT INVITED TO BEA’S PRESSCON

Sa pagkakaalam ng marami, nagsimula ang mga personal na banat ni Lolit kay Bea matapos hindi maimbitahan ang talent manager sa presscon ng beauty brand na iniendorso ni Bea nito lamang 2022.

Nilinaw ito ni Shirley sa exclusive interview niya sa PEP.ph.

Pahayag ng talent manager: “The reason I’m here also is because I want the truth out there, and I want the universe to hear the truth.

“Bea signed with GMA, 2021; the attacks started in 2021, okay? That presscon with—let’s mention na—a very respectable brand that she’s endorsing, which is Beautederm—it was in March of 2022.

“So, she’s been attacking Bea since 2021, since she signed with GMA, and it’s all over the Net. I mean, you can see that. I’m not making this up.

“And even the fans, they know this because they’re the ones, in fact, monitoring all these, and we’re very lucky to have them to do that for us. They’re very, very concerned.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Diin ng talent manager: “I’m already saying it now, that nag-umpisa lahat ng tira niya [Lolit] noon pa. Nung pumasok si Bea sa GMA—hindi during that presscon because she was not invited.”

July 1, 2022 nang opisyal na pumirma ng kontrata si Bea sa GMA-7 pagkatapos niyang umalis sa bakuran ng ABS-CBN.

Kasunod na nilinaw ni Shirley ay ang hindi pag-imbita kay Lolit sa presscon. Totoo raw iyon—at siya raw mismo, hindi si Bea, ang nagdesisyong huwag imbitahan si Lolit, ang entertainment editor na si Salve Asis, at ang veteran columnist na si Gorgy Rula.

May malalim na dahilan daw rito si Shirley.

Saad ni SK: “…we did not demand, this is not just a whim that we didn’t want [them there.] I didn’t want them invited, the three of them, because they’re in cahoots. They’re a team, you know. It doesn’t take a genius to figure it out.

“Also, I want it out there. The truth is, it was a renewal, we signed a long-term renewal contract with Beautederm.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“That’s why they [brand managers] decided, because of the pandemic, when we signed the first contract, there was no chance to do a presscon, okay? So, this one, this time, they want to do it, kasi medyo puwede-puwede na in March of 2022.”

Pagpapatuloy ni SK: “I was out of the country when we were planning their presscon. So, while the planning was happening, there was no list [of reporters] yet.

“It was just planning, because I asked them [brand managers], ‘Do you already have…have you crafted a list of press people to invite?’ They said, ‘Wala pa. Nothing final yet.’

“But I know naman they have their constants, the people that they constantly invite.

“So, I said, ‘There are three names I am going to tell you. I know you wouldn’t like it because you have a long-term relationship with them. Tanggap ko naman iyon, okay, but I have to present my case [and explain] why.’

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Then I sent them all the evidence of all her toxic attacks and bullying towards Bea. I had to present it to them, because it’s not as if I’m just demanding out of nothing, you know. It’s my job. Number one, it’s really my job as her manager to protect her.”

Bilang talent manager, hindi raw hahayaan ni Shirley na iharap ang sinumang talent niya sa mga taong naninira rito.

Saad niya, “No manager would throw his or her artist to the wolves in a presscon, you know. No manager worth her salt, by the way. You wouldn’t do that.

“And if you ask, including this bully, she admits that she does that.

“And it’s on record that, you know, out there on the Net, that it’s something that is being practiced by a lot of managers, if not all, including herself.”

REFUSING TO MENTION LOLIT

Kapansin-pansin na sa kabuuan ng panayam ng PEP.ph kay Shirley, na umabot ng mahigit isang oras, ay hindi nito binanggit ang pangalan ni Lolit ni minsan.

Sa halip, “bully” ang ginamit niyang pagtukoy sa kapwa talent manager.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Pagpapatuloy ng manager ni Bea: “So, to me, it was a no-brainer that, of course, you assume you will not be invited.

“You’re gonna be inviting negativity into a very positive launch for a product which the clients spent so much money on, right?

“So, supposedly, maybe I overestimated the wisdom [of Lolit] because the reaction was totally different and so vile…

“I believe the client was very careful in this situation, and I really appreciate that because they asked me.

“I told them Bea doesn’t know anything about this because she doesn’t even know yet the schedule of the presscon. She knows there will be a presscon, we’re still arranging, we don’t even know where it’s gonna be.”

Iginiit ni Shirley na “manager’s decision” ang hindi pag-imbita kay Lolit at sa mga kasama nito sa presscon, taliwas sa paratang na si Bea ang nagpatanggal kina Lolit sa listahan.

“I told them [brand managers], because they asked, ‘What are we gonna tell them because they expect to be invited because we always invite them?’ ‘Tell them I said so. Tell them I did it.’

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“And when all these attacks were coming, I asked the client, ‘Did you tell her [Lolit] that it was me? Bea had nothing to do with it.’

“It was a manager’s decision because it was my job. Why would I wait for my artist to tell me how to do my job when I know this is supposed to be my job, right?”

Diin ni Shirley: “There was no list. The list didn’t even exist.

“Even up to now, I’ve been asking them [brand managers], ‘Did you tell her? Are you sure you told her?’ They said, ‘Yes, we did, but she wouldn’t believe us. She believes it was really Bea.’”

Sunud-sunod na tanong ng manager ni Bea: “So, you know, is it my problem, is it our problem that she wouldn’t accept the truth? She’s scared of the truth? She couldn’t handle the truth? What’s the problem?

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“So, there. It’s out there. That’s the truth.”

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Elon Musk Praised by China For His Taiwan Proposal (Because it suits their agenda for Taiwan)
Next post David Icke EU ban now world news – my sincere thanks to the Dutch and EU authorities for all their help in alerting the world to my exposure of global fascism