
Bea Alonzo now a legal resident of Spain; clarifies she’s not abandoning her Filipino citizenship
Isa nang ganap na legal resident ng bansang Spain ang aktres na si Bea Alonzo, 35.
Ito ay matapos niyang makapagpundar ng real estate investment sa Spain na nagkakahalaga ng 500,000 euros o katumbas ng 30 million pesos dahil sa binili niyang apartment sa Madrid.
Read: Bea Alonzo fulfills dream of buying an apartment in Spain
Sa ulat ngManila Bulletinkahapon, November 21, 2022, ikinuwento rin ni Bea na ang pinaka-highlight ng kanyang biyahe sa Spain noong Oktubre ay upang makuha niya ang kanyang Golden Visa dahil sa Residency by Investment (RBI) program ng Spanish government
Kuwento niya, “Galing ako sa isang mahabang bakasyon. Twenty-six days, almost a month. Kakauwi ko lang this week from Europe.
“The reason why I went there was because I wanted to get my Golden Visa to Spain, so am now a resident of Spain.”
Bilang legal resident ng Spain, maaari na siyang lumipad doon na hindi na kailangan ng visa, na puwede rin niyang ipagamit sa inang si Mary Anne Ranollo.
Maaari rin siyang magtrabaho roon at kung gustuhin pa niya ay mag-apply ng Spanish citizenship.
Sad ni Bea, “Yung Spanish government kasi, if you have a certain amount to invest sa real property nila, you will be granted a Golden Visa which means you are automatically a resident.
“After two years, you can apply for citizenship, which am not gonna of course, but, at least, there is that option.
“I’ve always been fascinated with the idea of living abroad. But not because I already have a place there doesn’t mean doon ako titira.
“Of course, am gonna live here. It just so happened that I love Madrid, I love Spain, and I have a lot of friends there.”
Sa biyahe ni Bea sa Spain noong Oktubre, kasama na niya ang inang si Mary Anne upang ipakita rito ang nabili niyang apartment.
Read: Bea Alonzo shows mom Mary Anne Ranollo her apartment in Madrid
NOOD KA MUNA!
News Philippines today at https://philtoday.info/