Baha, sumalubong sa mga estudyante at guro sa Pampanga at Bulacan sa first day of school

Hindi inalintana ng isang guro ang lampas bukung-bukong na tubig baha sa loob mismo ng kanyang classroom sa isang paaralan sa Macabebe, Pampanga.

Tuloy sa pagtuturo si Ma’am Mylene Ambrocio.

Sa mga larawang ibinahagi ni Lisa Marie David ng Reuters nitong August 22, unang araw ng in-person classes sa mga pampublikong eskwelahan sa Pilipinas, masasalamin ang dedikasyon ng mga guro at mga mag-aaral sa gitna ng kabi-kabilang hamon.

FIRST DAY HIGH!

Literal ang kasabihang “First day high!” sa mga bahaing bayan ng Pampanga tulad ng Macabebe at maging sa Hagonoy, Bulacan, na catch basin ng mga tubig na nanggagaling sa Nueva Ecija.

Dulot ng high tide at mga pag-ulang hatid ng bagyong Florita na kalalabas pa lamang ng Philippine Area of Responsibility nitong Miyerkules, August 24, 2022, baha ang sumalubong sa mga patungong eskwelahan sa mga unang araw ng pasukan.

Ngunit para sa kanila, no match ito sa puso ng mga guro at estudyanteng hindi alintana ang baha.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

school flood

MAY FOREVER SA BAHA

Sa ulat ni Susan Enriquez sa Unang Hirit nitong Martes, August 23, hindi nagpapaawat ang mga tao sa mga bahaing bayan, lalo na ang mga taga-Hagonoy, na suungin ang mataas na level ng tubig.

Suot ang kanilang panangga tulad ng boots at sakay ng mga bangka o improvised na sasakyan tulad ng tikling (mga traysikel na hindi pangkaraniwan ang taas), sumugod ang mga bata sa mga eskwelahan para simulan ang school year 2022-2023.

Karamihan sa kanila, hindi sapatos kundi bota at tsinelas ang suot.

Nakataas ang mga paa ng iba upang hindi abutin ng tubig ang mga ito at mababad sa tubig habang nagkaklase.

Matagal nang problema ang baha sa maraming bayan sa Pampanga at Hagonoy.

Ayon sa panayam kay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Officer Rene Crisostomo ng Hagonoy, pinipilit na tugunan ng lokal na pamahalaan, sa assistance ng provincial at national governments, ang problemang ito.

Aniya, “Sa kasalukuyan po ay meron po ongoing na paghuhukay dito sa Barangay San Isidro at Barangay Carillo.

“Upang ang tubig baha po na ito, ang high tide na ito ay maibsan. Hindi man po totally mawala ay mabawasan.”

Kung hindi nagpapaawat ang mga guro at mga estudyante, palaban din ang mga nanay na nagsisikap gumawa ng mga paraan para maibsan ang hirap na dinaranas ng kanilang mga mag-aaral na anak sa pagpasok sa school.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Para sa taga-Hagonoy na si Mommy Grace Cruz ng Barangay San Agustin na nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), hindi masisira ng baha ang loob ng kanyang Grade 7 na anak, lalo na ngayong excited itong pumasok matapos ang dalawang taon ng online at modular classes dulot ng COVID-19 pandemic.

Sabi ng ina, “Excited pa din po siya pumasok kahit na mataas ang tubig sa mga dadaanan saka baha din sa mismong eskwelahan. Nagtitiyaga po siya.”

NETIZENS REACT

Sa kabilang banda, kahit masugid ang mga guro at estudyante na ipagpatuloy ang pag-aaral kahit may baha, may mga hindi natuwa nang makita ang mga larawan sa social media.

Marami ang nagkomentong sana ay pinauwi na lang ang mga estudyante para sa kanilang kaligtasan.

Komento naman ng iba, baka maging dahilan pa ito ng pagkakasakit ng mga estudyante, gaya ng alipunga o leptospirosis. Nakababad kasi ang mga paa ng ilan sa tubig.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

comment

comment

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

May iba rin namang humanga sa dedikasyon ng mga guro na mas piniling magturo sa kabila ng pagbaha.

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Kaye Abad, Paul Jake Castillo throw farm-themed birthday party for son Iñigo
Next post The Nuremberg Code Vs Mandatory Vaccines