Aubrey Miles falls victim to pickpockets in Paris; does photoshoot as revenge

Hindi nakaligtas sa mga mandurukot ang aktres na si Aubrey Miles sa Paris, France.

Kasalukuyang nagtu-tour sa Europe si Aubrey kasama ang asawang si Troy Montero bilang bahagi ng kanilang honeymoon.

Ikinasal ang dalawa noong June 2022 pagkatapos ng 18 taong pagsasama.

Read: Aubrey Miles and Troy Montero finally tie the knot after 18 years of being together

Ang mga bansang kasama sa kanilang itinerary ay ang Czech Republic, Hungary, Austria, Liechtenstein, Switzerland, Germany, Netherlands, Holland, Belgium, at kasalukuyan nga silang nasa France.

Sa Instagram post niya kahapon, October 9, ibinahagi ni Aubrey ang kuwento tungkol sa pandurukot sa kanya sa Paris.

Pero hindi raw ito hadlang upang hindi nila ipagpatuloy ang kanilang bakasyon.

Buong caption ni Aubrey, “Paris [fountain, heart emojis]

“Now I know why you love paris [ smiling face with heart-shaped eyes emoji]

“Kahit nanakawan ka sa paris ng pick pockets, tuloy ang larga. Sa movies kala ko astig kayo pero sa totoong buhay parusa kayo, mga BWISIT [grinning squinting face emoji]”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
View this post on Instagram

A post shared by AUBREY MILES (@milesaubrey)

Kasunod niyang post ay ang kanyang photo shoot sa lugar.

Inaalay raw niya ito sa mga kawatan doon. Nakaramdam daw ng trauma si Aubrey pero tuloy pa rin ang buhay.

Saad nito, “Behind the scenes of our photo shoot today.

“This photoshoot is dedicated to all the pickpockets in paris [fountain, laughing emojis]

“Dahil nakaka trauma kayo para sa mga baguhang tourista, you can’t bring us down.

“Dahil dyan, nag pa photoshoot pa ako, langya kayo [face savouring delicious food emoji]”

View this post on Instagram

A post shared by AUBREY MILES (@milesaubrey)

Sa comments section ng mga post ni Aubrey, marami ring netizens ang nagbahagi ng kanilang kaparehong karanasan sa nasabing bansa.

Marami ring kuwento ang Pinoy celebrities tungkol sa pandurukot na naranasan nila sa Europe.

Noong 2017, nanakaw ang passport ni Sam Milby sa Paris.

Read: Sam Milby victimized by thieves in Paris

Noong 2018, nadukutan naman ng wallet si Bea Alonzo sa Portugal.

Read: Bea Alonzo gets wallet stolen in Portugal

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Nito lamang August 2022, inilahad ni Joaquin Domagoso ang hindi magandang experience ng tatay niyang si former Manila Mayor Isko Moreno sa mga mandurukot doon.

Maigi na lamang at naitagong mabuti ng ama ang kanyang wallet kaya hindi ito nadukot.

Read: Joaquin Domagoso denies family’s Euro trip cost P1B; relates unpleasant experience in Paris

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Banned by the fascist Dutch regime…
Next post Shadowdragon: Deep Social Media Dragnet For Total Surveillance