
Ara Mina unfazed by Sunshine Cruz-Macky Mathay breakup rumors
Nagkakilala sina Sunshine Cruz at Mackay Mathay sa pamamagitan ni Ara Mina.
Si Ara ay malapit na kaibigan ni Sunshine, samantalang half-brother naman niya si Macky.
Sa eksklusibong panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) kay Ara sa nakaraang presscon ng pelikulang Katok ng AQ Entertainment and Prime Stream Inc. noong nakaraang October 28 sa AQ Prime office sa Roces Ave., Quezon City, hiningan namin ng reaksyon ang aktres tungkol sa balitang nauwi na sa hiwalayan ang relasyon ng dalawa niyang kaibigan.
Lahad niya, “I haven’t talked to them about it. Basta ang sinasabi ko lang kasi, busy ako.
“Pero mine-message ko sila, ‘let’s get together soon. I hope you guys are okay.’
“Sumasagot naman, ‘yeah, we’re okay. Busy lang sa work, busy lang sa office.’
“Ganun lang ang mga sagot nila, di na ako nagdi-dig sa text, sa message na, ‘what happened? Is it true?’
“Di ako nagtatanong ng ganun. Tinitingnan ko na lang ang mga posts nila, pero di ko rin nasusubaybayan. Mas gusto ko kasi makausap sila nang personal.
“Malungkot? Oo naman, pero I don’t wanna conclude na talagang ano na. It’s nornal sa relationship kung may pinagdadaanan, LQ, tampuhan.
“It’s normal.”
News Philippines today at https://philtoday.info/