
Ara Mina on having a baby: “I’m giving myself one year na mag-try.”
Isa’t kalahating taon nang kasal ang actress-entrepreneur na si Ara Mina, 43, sa mister nitong si Dave Almarinez, 48, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nakakabuo ng baby.
Read: Ara Mina: The star who had 4 screen names conquers acting, singing, even baking
Nitong nakaraang October 2022, bumiyahe ang mag-asawa sa Budapest, Hungary at Vienna, Austria upang magbakasyon.
View this post on Instagram
May maganda na bang balita sa laging tanong kay Ara kung buntis na ba siya?
“Okay naman. Hindi pa kami nakabuo,” sagot ni Ara sabay pakawala ng malutong na tawa.
Dagdag pa niya, “Hindi pa kami nakabuo, but in God’s time.
“If ever, puwede pa rin naman next year kasi I’m doing another show, another TV series, so we’ll see.
“Kung makakabuo, e, di thank God.”
Si Ara ay may anak na babae, si Amanda Gabrielle Meneses, 6, sa dating nobyong si Patrick Meneses.
Si Dave naman ay may anak ding babae, si Kirsten Almarinez, 17, mula sa dating karelasyon.
Hindi ba sila nagmamadali ni Dave na magka-baby?
Tugon ng aktres, “Hindi naman, hindi naman. Pero tingnan natin. I’m giving myself one year na mag-try.”
Sa ngayon, sasabak muna si Ara sa taping ng isang serye. Bakit sunud-sunod ang pagtanggap niya ng mga proyekto ngayon kung nais nilang makabuo ng anak?
Paliwanag niya, “Sayang kasi, e. May nag-o-offer, e, I think it’s a blessing.
“Kapag may nag-o-offer, why not tanggapin kasi hindi naman magiging hindrance yun kung mabuntis ako.
“I don’t think na magiging malaking problem yun lalo na kung ang role ko is mom.”
Kahit daw nais na nilang magkaanak, suportado naman si Ara ng asawa sa kanyang pagtanggap muli ng mga proyekto sa showbiz.
Sabi niya, “Okay naman sa kanya, supportive naman siya sa akin, e, pagdating sa work.”
Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ara sa grand opening ng ika-pitong branch ng kanyang Hazelberry Café, sa The Beacon Tower branch sa Makati City, noong nakaraang Linggo, November 20, 2022.
EXPANDING BUSINESS
Natutuwa si Ara na kahit papaano ay naging matagumpay ang kanyang pastry at restaurant business.
Kamakailan lamang, ipinagdiwang ng main branch ng kanyang restaurant ang ikalimang anibersaryo nito.
Mayroon na ito ngayong pitong branches kung saan ang business partner niya sa Makati branch ay si Annaliza Oyog.
Pinahahalagahan ni Ara ang business partners niya dahil katuwang daw ito sa kanilang pag-unlad.
Ano naman ang mga natutunan niya sa pagnenegosyo matapos malugi ang mga dating business niya noon?
NOOD KA MUNA!
Saad ng aktres, “Well, kung ano yung mga natutunan ko, iyon yung mga itinatama sa mga dumarating na araw.
“And then, kumbaga, the best lesson is yung experience. Di ba, ang isang restaurant naman, isang café, hindi naman nawawalan ng challenges.
“It’s just… you have to know how to approach every challenges kapag napapagdaanan.”
News Philippines today at https://philtoday.info/