
Anne Curtis, “Dyosa in her element” sa beach video
Pinainit ni Anne Curtis ang weekend ng netizens sa kanyang nai-post na video sa Instagram ngayong Sabado, November 26, 2022.
Makikita si Anne na naglalakad sa dalampasigan at kapagkuwa’y naglunoy sa tubig.
Obvious din na mas naging seksi ngayon ang aktres, at perfect ang tone ng kanyang body.
Nilagyan niya ang IG post ng caption na: “Paradise.
“Edited and directed by @erwan.
“Wait for his version tho.”
Sa IG account ni Erwan Heussaff ay may post din siya ng halos katulad na video.
Pero sa pangalawang version, nakahiga lang si Anne sa tabing dagat habang hinahampas siya ng malalakas na alon.
Ang caption ni Erwan: “Dyosa in her element.
“Nature wins.
“P.S. If you don’t hear from me in the next 24 hours, send help.”
Comment naman ni Anne: “Director’s cut at its finest. “You’re forgiven tho because tawang-tawa me. “Hahahahahha.”
Ayon kay Erwan, nagawa niyang i-shoot ang kabuuan ng video kay Anne sa loob ng isang oras habang natutulog ang kanilang anak na si Dahlia.
NOOD KA MUNA!
News Philippines today at https://philtoday.info/