Angeline Quinto confirms engagement to live-in partner

Panghabambuhay na ang pag-iibigan nina Angeline Quinto at non-showbiz live-in-partner na si Nonrev Daquina.

Buong pagmamalaking inanunsiyo ni Angeline na engaged na sila ni Nonrev sa concert niya sa U.S. kamakailan.

Habang nasa stage, sabi ng Kapamilya singer, “Espesyal ang gabi na ito para sa akin dahil nandito po sa audience ang soon-to-be mother-in-law ko.

“Ang nanay ng fiancé ko, nandiyan.”

Base ito sa video clip na ni-repost ng fans ni Angeline nitong September 24, 2022.

Ibinalita rin ni Angeline ang engaged status nila ni Nonrev via Instagram Stories.

“It’s time to write a new story,” saad sa una niyang post.

Mula sa pagiging boyfriend at girlfriend, maituturing na raw silang “fiancé” at “fiancée.”

Angeline Quinto engaged

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

As early as June 2022, napansin na ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na waring may suot na diamond ring ang singer sa isang face-to-face interview.

Umiwas na sumagot noon si Angeline, at sinabing sa susunod na lang niya ipaliliwanag ito.

Pero hindi naman nito itinangging pinag-uusapan na nila ang pagpapakasal dahil sigurado na raw sila sa isa’t isa.

“Alam kong siya na yun. Siya yung ano ko, yung true love,” tukoy ni Angeline kay Nonrev.

AGAINST ALL ODDS

Ang supling nina Angeline at Nonrev na si Baby Sylvio ay isinilang noong April 2022.

Bukas ang singer sa pagsasabing nagsama sila sa iisang bubong ni Nonrev mula nang siya ay mabuntis noong 2021.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Minsan nang naikuwento ni Angeline na nagkakilala sila ni Nonrev dahil kaibigan ito ng boyfriend ng kaibigan ng singer.

Inamin ni Angeline na naging tapat si Nonrev sa pagkakaroon nito ng tatlong anak sa dalawang nakarelasyon noon, at tanggap niya ang kaalamang iyon.

Sa YouTube interview niya kay Luis Manzano, ibinahagi pa ng Kapamilya singer na tutol ang manager niya noon kay Nonrev.

Pero pinatunayan daw nila ni Nonrev na tunay ang kanilang pagmamahalan.

At ngayong may anak na sila, lubos ang tuwa ni Angeline na tanggap na raw ng manager niya si Nonrev.

Sa kabila ng mga intrigang naugnay sa couple, nanatiling matatag ang relasyon ng dalawa.

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Press conference after Pfizer CEO Albert Bourla refused to answer in front of European Parliament
Next post We’ve made it through another week in the global asylum – Gareth Icke Presents This Week’s Right Now