Angelica Panganiban at Gregg Homan, five months nang engaged

Lumalabas na limang buwan nang engaged ang aktres na si Angelica Panganiban sa kanyang non-showbiz partner na si Gregg Homan.

Isinapubliko ni Angelica Panganiban ang announcement sa pamamagitan ng YouTube vlog ngayong Sabado, October 8, 2022.

Sa naturang vlog, kinunan ni Gregg ng video ang sarili ilang saglit bago mag-propose kay Angelica.

Sa video, ang kausap ni Gregg ay ang kanilang baby na noong mga panahong iyon ay nasa sinapupunan pa ni Angelica.

Ayon kay Gregg, four months pregnant noon si Angelica noong ginawa niya yung video.

Dahil nanganak si Angelica ng baby girl noong September 20, 2022, ibig sabihin, limang buwan na ang nakalipas mula noong ‘secret engagement’ nila ni Greg.

Mapapanood sa video kung paano ginawa ni Gregg ang proposal.

Isinet-up ni Gregg ang camera na naka-video mode, habang kita sa frame si Angelica sa tabing-dagat, at nag-aayos dahil akala niya ay picture-taking ang magaganap.

Kasunod nito, pumasok sa frame si Gregg at nilapitan si Angelica.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Gregg: “Maraming paraan sa buhay para sumaya sa buhay na ito, pero ikaw lang yung kailangan ko.”

Nag-“yes” si Angelica at sa mga sumunod na sandali ay mapapanood na naging emosyonal si Angelica.

Angelica Panganiban engagement ring Greg Homan

Sa isang bahagi ng video, may pahayag pa si Angelica sa surprise proposal sa kanya ng karelasyon.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Look, I said yes, we’re engaged,” sabi ng masayang si Angelica.

“May baliw na nag-propose sa akin. Ewan ko, dead na dead sa akin…

“Kahit na anong kabaliwan ko, pangit ng ugali ko, mahal na mahal ako.”

Ipinakita rin sa video na ipinaalam ni Angelica ang engagement nila ni Gregg sa malalapit nilang kaibigan at kapamilya, gaya ng director na si Andoy Ranay at aktres na si Glaiza de Castro.

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post 5G Masts By Schools Is Madness – Help Brighton Parents Set A Precedent In Court
Next post Three low-flying cryptos that can rally in a few coming weeks