Andrew Schimmer finally brings wife home after almost year-long stay in hospital: “Today is the day.”

Iuuwi na ng aktor na si Andrew Schimmer ang kanyang misis matapos ang halos isang taong pamamalagi nito sa ospital.

Nagbigay ng update si Andrew sa pamamagitan ng isang Facebook video ngayong Lunes, October 10, 2022.

“Today is the day, mga kapatid. Lalabas na ng hospital ang aking asawa kaya full force ulit kami dito sa hospital,” sabi ni Andrew, kasama ang dalawa niyang anak.

Sabi pa ng aktor, “Kasi first time niya ulit… after almost a year, first time niyang masisilayan ang labas ng hospital kaya we’re all very excited.”

November 2021 nang isugod sa St. Luke’s BGC ang misis ni Andrew na si Jorhomy “Jho” Rovero dahil sa cardiac arrest at hypoxemia.

Sa loob ng halos isang taon, doon namalagi si Jho na nangailangan ng medical attention.

Naging vocal si Andrew sa mga hirap na pinagdaanan sa pag-aalaga at pagpapagamot sa asawa.

Para matulungan sa expenses, humingi ng tulong pinansiyal si Andrew.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi siya nabigo dahil nakatanggap siya ng tulong pinansiyal mula sa mga kaibigang artista at maging sa netizens.

Read: Andrew Schimmer gives update on wife’s condition; appeals for financial help anew

Sa latest video, sinabi ni Andrew na isasakay ang kanyang misis sa ambulance pauwi sa kanilang bahay.

Tiniyak niya sa kanilang followers na mabi-video siya para makunan ng reaksiyon ang kanyang misis habang bumibiyahe sila.

Aniya, “Excited kaming makita yung facial reaction niya pag sinakay na namin sa ambulance habang bumibiyahe.”

Nagpaabot din ng kanyang pasasalamat si Andrew sa kanilang followers.

Aniya, “Maraming-maraming salamat sa inyong lahat. From day one up to this point, di niyo kami iniwan.”

Si Andrew ay lumikha ng YouTube account para regular na makapagbigay ng update ukol sa kalagayan ng kanyang asawa.

Kamakailan ay ipinost ng aktor na natanggap na niya ang silver play button mula sa YouTube dahil sa umabot na sa mahigit 100,000 ang kanyang YouTube subscribers.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Man Rots in Jail Without Trial for Defending His Home from Armed Invaders, Who Were Cops
Next post Thai regulators make moves to tighten their Crypto rules