
Andrew Schimmer appeals for more prayers for wife Jho Rovero still in coma
Muling humihiling ng sama-samang dasal ang aktor na si Andrew Schimmer para sa asawang si Jho Rovero.
Read: Andrew Schimmer seeks financial help for wife’s hospital bills
Ayon kay Andrew, bukas, November 1, 2022 ang ika-isang taong anibersaryo mula nang atakehin at isinugod nila sa ospital si Jho.
Kasunod nito, nakiusap ang aktor na samahahan siyang kalampagin ang Langit dahil nasa comatose situation na ngayon si Jho.
Mensahe ni Andrew sa kanyang post ngayong Lunes, October 1 (published as is), “Good morning po mga kapatid, today is October 31, later after midnight November 1 ka isang taon po ng atake ng aking asawa ng 3am…
“GUYS PLEASE HELP ME PRAY FOR HER [crying, praying hands emojis] nawa’y bigyan po sha ng ating panginoon ng lakas para malampasan nya po ang mga pagsubok na ibbgay po sa kanyang katawan at spirit ngayong all soul’s day po.
“Right now she is still under the state of comatose.”
Dagdag pa niya, kahit walang malay ang asawa ay ramdam niyang hindi sumusuko sa pakikipaglaban ang kanyang kaluluwa at katawan.
“Hindi po humihinto sa pakikipaglaban ang kanyang katawan at kaluluwa,at hndi po nag gi-give up ang kanyang puso [crying, praying hands emojis]
“Kaya ako po ay hihingi ulit ng inyo pong mahalagang oras, sabayan nyo po kaming manalangin, iparinig po natin sa buong langit ang laman po ng ating mga puso and let our voices echo in their heart [crying, praying hands emojis] ipag dasal at ipaglaban po natin ang ating mga mahal sa buhay.”
Noong October 17, malungkot na ibinalita ni Andrew na balik-ospital ang misis matapos lamang ang isang linggo mula nang iuwi niya ito galing sa St. Luke’s Medical Center, Global City, Taguig City.
Read: Andrew Schimmer finally brings wife home after almost year-long stay in hospital: “Today is the day.”
Kuwento niya noon, kailangang muling ipasok ang asawa sa intensive care unit (ICU) ng ilang araw para mag-stabilize ang heart rate nito.
Saad pa niya sa kanyang Facebook post (published as is): “Just after a week, she’s back in the hospital again [sad face, broken heart emojis]
“Need po sha ipasok ulit sa ICU for few days, until mag stable po ulit sha [sad face, broken heart, crying, broken heart emojis]
“please, plsss pray for Her, she needs it [crying, broken heart, crying emojis]
Read: Andrew Schimmer’s wife back to hospital one week after coming home
October 22 naman, sinabi ni Andrew na unti-unti nang bumuti ang kalagayan ni Jho.
Noong araw na iyon, binisita ni Andrew si Jho na kasalukuyang nasa Intensive Care Unit (ICU) ng St. Luke’s.
Read: Andrew Schimmer says wife Jho Rovero’s condition has improved after bringing her back to hospital
News Philippines today at https://philtoday.info/