Andrew E. admits his name has been submitted for possible government post

May mga nag-akalang mabibigyan si Andrew E. ng puwesto sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Read: Andrew E. denies acquiring two sports cars after campaigning for BBM-Sara

“A group of people submitted my name for the government ano,” pagtatapat ng 55-anyos na rapper sa eksklusibong panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) noong Agosto 14, 2022, Linggo ng gabi, sa Manila Polo Club, Makati City.

“Maybe position or whatever. But with me kasi, ano… I’d like to do service to, you know, my Dongalo Wreckords.

“And ngayong medyo umangat nang kaunti ang aking leverage sa pagiging rapper or entertainer, or maybe artista…

“Siguro it’s about time again, you know, na makatulong naman ako nang kaunti pa sa mga rapper ko na medyo nagtatandaan sila.

“And yet, gusto ko pa ring dagdagan ang achievements nila.

“So, minamabuti ko na yung nage-gain kong karagdagang fame and popularity, gastusin ko yun sa pagtulong sa kapwa.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“And para sa akin, mas maligaya ako nang ganun.

“And sa dami-dami naman ng mas qualified, mas bagay at mas dedicated kesa sa akin towards governing the people and at the same time serving the people…

“Siguro ibigay ko na muna yung chance sa mga tunay na nararapat, much more than me.

“Ako naman, magpapaka-busy na muna ako na tumulong sa tao and at the same time, palawigin din yung career ko na para lalong makatulong again lalo sa marami.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

ANDREW E.’S CONCERT TOUR

Ratsada si Andrew sa Bagong Pilipinas: Tagalog Rap Festival. Concert tour niya ito sa iba’t ibang panig ng mundo kasama ang Salbakuta at Kruzzada.

Kagagaling pa lang niya sa Japan nang makibahagi siya sa culminating concert ng Piña Festival noong Hunyo 28 sa Ormoc City.

“Two weeks after that, bumalik ulit ako ng Japan for a show in Nagoya naman. Then after Nagoya, nagbalik ako rito,” salaysay ni Andrew E.

Kapagkuwan ay kinontak siya ng organizers ng Philippine Expo Event on November 20 sa Kawasaki, Japan. Naisingit iyon sa kanyang schedule.

Magtatanghal din ang entourage niya sa Nobyembre 25-27 sa Shin-Koiwa sa Tokyo, Japan.

Noong Linggo nagkapirmahan ng kontrata sa Manila Polo Club. Ang kinatawan ng Philippine Expo Event ay ang executive director nito na si Ms. Lorna Pangan Tadokoro. Si Ms. Lorna ay dating member ng Solid Gold Dancers na back-up noon ni Andrew sa pelikulang Humanap Ka Ng Panget (1991).

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Andrew E., excited mag-perform kasama ang anak na si Fordy Espiritu sa Japan

Ang Canada leg ng concert tour ni Andrew ay gaganapin sa Calgary (Setyembre 17), Lloydminster (Setyembre 24), at Vancouver (Setyembre 30).

andrew e. concert

“Pagkatapos ng Canada, balik agad dito, one week. Then Dubai naman, and Abu Dhabi, and Bahrain, tatlo yun sa October, in a span of two weeks,” saad ni Andrew.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Pagkatapos ng Bahrain, balik for November, which is for Japan. Sa MUZA Kawasaki Hall, yung Philippine Expo Event. And of course sa Shin-Koiwa park.

“By January-February, there’ll be a ten-city tour in the U.S. tour. So, medyo busy.

“Pakiabangan po, mga giliw na kababayan na nasa ibang bansa! Lalung-lalo na sa mga bansang binanggit ko, sa Canada, sa UAE, sa Japan, and at the same time, sa Amerika.

“And then, inaayos na po namin ang April-May, Europe tour naman ng Bagong Pilipinas.

Hindi pa rin siya puwedeng gumawa ng pelikula?

Napatango si Andrew, “Sa ngayon, oo. Medyo ano… tsaka hindi pa ako ready’ng mag-bold.”

SECOND, THIRD COMING

Nararamdaman ba ni Andrew E. na parang second or third coming niya ito sa showbiz, na papataas na muli at magpi-peak ang kanyang career?

Napailing agad at napakunot-noo si Andrew E, “Hindi naman. Hindi naman! It’s more of ano, another appreciation.

“It’s another appreciation na really… ng madla, ng new generation. Or maybe, you know, the younger generation is a new appreciation again for me.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“I don’t say it’s another coming or what. No! Hindi! To that effect, napakalayo yung tanggapin sa akin.

“Sa palad ko, hindi ko tinatanggap yun, e. Pero another stage of appreciation, and probably another generation of appreciating Andrew E. ‘Yan! The best yun!”

Mahigit apat na dekada na siya sa industriya ng entertainment. Masaya na ba siya sa iiwan niyang legacy, o meron pa siyang mga gustong gawin o ma-achieve?

“I haven’t started yet! Ano ba, hindi pa ako nagsisimula!” pagmamatuwid ni Andrew E.

“Hindi pa nga ako nagsisimula, e. Masyado naman silang allergic. Allergic masyado. Hindi pa ako nagsisimula, e, di ba?

“Kung naiisip nila na ito ba ay ano, na ganun, legacy-wise. It’s not in my vocabulary.

“Ang tukoy ko sa sarili ko ay nagsisimula pa lamang. So, opportunity knocks, let it go open. Let it go pass through.

“And at the same time, tanggapin yung mga opportunity’ng ganyan para lalo kang makapagbigay ng panlalawig sa tao at sa kapwa.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Yun ang mas masarap! Yun ang mas maligaya! At yun ang mas matamis para sa akin bilang Andrew E., you know.”

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Previous post Top scientist admits ‘space telescope image’ was actually a slice of chorizo
Next post They Want To Hide Two Things From You At All Costs – David Icke